Benjamin Alves: Dapat lang na tawaging bayani ang mga OFW | Bandera

Benjamin Alves: Dapat lang na tawaging bayani ang mga OFW

Ervin Santiago |May 31,2019
facebook
share this

Benjamin Alves: Dapat lang na tawaging bayani ang mga OFW

Ervin Santiago - May 31, 2019 - 01:10 AM

BENJAMIN ALVES

Patok agad sa Kapuso viewers ang latest soap ng GMA na Dahil Sa Pag-ibig.

Ang kwento kasi nito ay hindi tipikal na other woman o di kaya’y betrayal sa pagitan ng mag-asawa.

Nais ng programa na ibahagi ang mga pagsubok na kinahaharap ng mga kababayan natin na OFW dala ng pagkakawalay nila sa kanilang pamilya.

Kaya naman sa isang video na ipinost ng lead actor ng serye na si Benjamin Alves na gumaganap bilang si Eldon, kinilala ng cast ang magigiting na OFW sa pagbabasa ng ilang touching messages ng mga naiwan nilang mahal sa buhay sa Pilipinas.

Ayon kay Benjamin, karapat-dapat lang na ituring na mga bagong bayani ang mga OFW dahil sa matinding sakripisyo at paghihirap na dinaranas nila sa ibang bansa para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

Isang heart-warming advice naman ang iniwan ni Tetchie Agbayani na gumaganap bilang ina ni Eldon sa mga pamilya na may mga kamag-anak na OFW, “Always tell your loved ones how much you love them and always keep in touch with them.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending