Benjamin Alves, Chelsea Robato ikinasal na

Benjamin Alves, Chelsea Robato ikinasal na, opisyal nang mister at misis

Pauline del Rosario |January 28,2024
facebook
share this

Benjamin Alves, Chelsea Robato ikinasal na, opisyal nang mister at misis

Pauline del Rosario - January 28, 2024 - 06:48 PM

Benjamin Alves, Chelsea Robato ikinasal na, opisyal nang mister at misis

PHOTO: Instagram/@benxalves

GANAP nang mag-asawa ang Kapuso actor na si Benjamin Alves at content creator na si Chelsea Robato!

Ikinasal na kasi sila ngayong araw, January 28.

Ang masayang balita ay ibinandera mismo ni Benjamin sa kanyang Instagram account kung saan ipinost niya ang ilang sweet photos na suot ang kanilang wedding outfits.

Blooming na blooming si Chelsea sa kanyang laced white gown, habang gwapong-gwapo ang aktor sa kanyang all-white tuxedo.

Baka Bet Mo: Benjamin Alves ibinandera ang first-ever nomination, kakasa bilang ‘Best Supporting Actor’ sa Malaysia

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benjamin Alves (@benxalves)

Kung maaalala, nauna nang nag-open si Benjamin patungkol sa kanilang kasa at ibinunyag niya na isa itong intimate wedding na gaganapin sa Makati.

Nachika din ng couple sa isang panayam na gagawin nilang “immersive” ang wedding venue.

Samantala, nakwento noon ng mag-asawa na tila pinagtagpo sila ng tadhana noong 2010 kung saan rarampa sana silang magkasama sa isang fashion show sa Guam.

Hindi lang daw ito natuloy dahil tinanggihan niyang mag ala-groom sa nasabing show.

“She was the last bride to walk, and they needed a groom. And ang sabi ko, ‘no.’ Kasi parang ayoko. Parang paano naman ako maggu-groom, eh, parang hindi pa naman ako ready magpakasal,” pag-alala ni Benjamin.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang love story ng dalawa ay 10 years in the making.

Sila ay mag-childhood friend sa Guam at naging mag-schoolmates pa noong sila’y nasa kolehiyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2019 nang muli silang nagkita at nag-ibigan matapos ipakilala sila sa isa’t-isa ng Kapuso actress na si Thea Tolentino.

“So Thea’s invited to our wedding. Once we got engaged, she was like, ‘We have to invite Thea.’ Siya ‘yung naging tulay,” sey ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending