Kalat na: Jimmy Bondoc ginawang 'attack dog', inutusang kumahol kontra ABS-CBN | Bandera

Kalat na: Jimmy Bondoc ginawang ‘attack dog’, inutusang kumahol kontra ABS-CBN

Cristy Fermin |May 31,2019
facebook
share this

Kalat na: Jimmy Bondoc ginawang ‘attack dog’, inutusang kumahol kontra ABS-CBN

Cristy Fermin - May 31, 2019 - 12:45 AM

JIMMY BONDOC

Maraming naniniwala na hindi ganyan magiging katapang si Jimmy Bondoc kung walang basbas ng malalaking tao sa kanyang paligid. Paniwala ng iba ay may go signal ang pagdaldal ng one-hit-wonder na singer.

Ang tawag sa ganu’n ay attack dog. Nangyayari talaga ang ganu’n, may iniuumang na tao ang mga ayaw lumantad para ‘yun ang kumahol nang kumahol, nakatago lang sila sa likuran.

Pero may mga nagsasabi naman na nu’n pa ay madaldal na talaga ang acoustic singer. Marami na siyang kuda. Ang tanong lang ay kung bakit nagmatapang siyang banggain ang isang higanteng network na tulad ng ABS-CBN.

Sa kasaysayan, halos lahat ng mga personalidad na nagsampa ng kaso laban sa malalaking network ay nabubukulan, sila ang nasaktan at hindi ang pader na binangga nila.

Ngayon ay natikman na sigurong lahat ni Jimmy Bondoc ang mga salitang ni ayaw niyang malasahan sa mundong ibabaw. Nakita niya na rin ang resbak sa kanya ng mga nasasakupan ng network na kinasasabikan niyang makitang sarado na.

Pa-victim pa nga si Jimmy ngayon, nagsusumbong siya sa mga kababayan natin kung paano raw siya wasakin ng mga taga-ABS-CBN, siya itong nagsimula ng sunog pero ngayong naglalagablab na ang apoy ng galit sa kanya ng mga nasasagasaan niya ay siya pa ang sumisigaw para pakinggan siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending