Jolo ikakasal na sa dyowang beauty queen | Bandera

Jolo ikakasal na sa dyowang beauty queen

Bandera |May 31,2019
facebook
share this

Jolo ikakasal na sa dyowang beauty queen

Bandera - May 31, 2019 - 12:40 AM

ANGELICA ALITA AT JOLO REVILLA

KALAT na ang chika na ikakasal na si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa kanyang beauty queen girlfriend na si Angelica Alita.

Ito’y matapos ngang mabalita na nag-propose na ang actor-politician sa kanyang dyowa ilang linggo na ang nakararaan, base na rin sa agaw-eksenang diamond ring na suot ni Angelica nang magbakasyon sila ni Jolo sa Boracay.

Sa bagong post ni Jolo sa kanyang Instagram account, mukhang sinadya na nilang ibandera sa madlang pipol ang kanilang engagement dahil kitang-kita na sa litrato ang suot na singsing ni Angelica.

Sa photo, makikita ang dalawa na tila kilig na kilig habang nakatigig sa isa’t isa. Magkahawak pa ang kanilang mga kamay habang may bitbit pang ice cream cone ang dalaga. Nilagyan nito ni Jolo ng caption na, “Ang tamis naman.. ang lagkit pa ng tingin!”

Nag-reply naman si Angelica gamit ang kiss at heart emoji. Base sa naka-tag na location ng kanilang IG couple photo, kuha ito sa Bacio di Latte, isang ice cream shop sa Los Angeles, California sa Amerika.

Sa Instagram account ni Angelica, may ipinost din siyang litrato nila ni Jolo na kuha sa nasabing ice cream shop. Dito suot pa rin niya ang sinasabing engagement ring nila ni Jolo.

Bumaha naman ng congratulatory message ang IG account ng magdyowa. Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang kumpirmasyon mula kina Jolo at Angelica tungkol sa kasalan.

Kung matatandaan, nitong nakaraang Valentine’s Day kinumpirma ni Jolo na girlfriend na niya si Angelica. Ex ng anak ni Sen. Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares si Angelica habang anim na taon naman ang naging relasyon ni Jolo kay Jodi Sta. Maria.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending