HOROSCOPE July 19, 2013 | Bandera

HOROSCOPE July 19, 2013

Madam Sophia - July 19, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Biyernes ngayon. Simulan ang araw sa pagsisimba sa Quiapo upang gumanda ang pasok ng weekend. Sa pag-ibig, tuloy-tuloy ang nakakikilig na pakikipagrelasyon sa isang Scorpio. Sa pinansyal, madaragdagang muli ang income. Mapalad ang 4, 14, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om”. Orange at lilac ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—  Hindi dapat panghinaan ng loob. Sa pinansyal, ngayon na ang pinakamagandang pagkakataon upang sumugod.  Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang puhunan upang masungkit ang isang matamis romansahan.  Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Katha-Om-Umali.” Red at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Wag kukupad-kupad. Kapag laging tinatapos agad ang mga gawain, mas malaking salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, wag nang umarte pa, magmadali ka. Sige ka, baka lumipas ang pagnanasa ng kasuyo na makasama ka. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jiva-Gosvami-Om.” Red at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Wag mag-apura na umunlad, ang pagyaman ay hindi nakukuha sa pagmamadali. Sa pag-ibig, palitan na ang kasuyong wala namang pangarap sa buhay. Maghanap ng isang Libra.  Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vai-Nhava-Aum.” White at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Tama ang nabubuong konklusyon sa iyong isipan, kung hindi sinunod ang payo ng iba, maligaya ka sana ngayon. Hindi pa huli ang lahat. Sa susunod na desisyon, sundin ang tinitibok ng puso upang  lumigaya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Govinda-Om-Rama.” Black at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Wag mainggit sa mga nakaluluwag sa buhay! Luluwag din naman ang buhay mo kung magsisikap ka. Sa pag-ibig, huwag ding maiingit sa kapareha ng iba, mas maraming magagandang katangian ang iyong kasuyo. Mapalad ang 1, 12, 21, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Garuda-Aum-Arjuna”. Blue at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Wag buruhin ang sarili sa bahay lang. Sa isang ibang lugar maraming mga oportyunidad ng pagkakakitaan ang madidiskubre. Sa pag-ibig, sa isang paglalakbay mo mami-meet ang iyong true love. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Factum-Aum-Miraculum.” Beige at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Wag ibuhos ang panahon sa pagtulong sa iba, hindi ka isinilang para mag-charity. Paglaanan ang sariling pamilya. Kapag nagawa mo ‘yan, mas uunlad at mas magiging maligaya ka.  Mapalad ang 3, 9, 21, 30, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Wag masyadong kumain upang masimulan na ang “Operation pagpapa-sexy 2013”. Tandaang ang pagtitipid at pagpapa-sexy ay may malaking maitutulong sa iyo upang umunlad at lalo pang lumigaya ang inyong relasyon.  Mapalad ang 3, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra.” Pink at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, mas mainam na ang nagpapakumbaba kaysa lagi ka na lang dominante. Mapapamahal  ka ng husto sa kasuyong Gemini kung nagpapakabait ka. Sa pinansyal, habang nagpapakumbaba kusang dadami ang kinikita.  Mapalad ang 3, 19, 22, 27, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Yellow at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Tama ang pasya mong lumayo. Sa malayong lugar mas maraming salapi ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, lalong mapapamahal ang kasuyong Aries, kapag malayo ka sa kanya. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om-Bhuvah.” Red at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Ayusin ang sariling kabuhayan, bago mamintas ng iba! Kung uunahin ang sarili mong kapakanan, mas mabilis kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, mahalin nang husto ang kasuyong Sagittarius  bago siya tuluyang mawala. Mapalad ang 4, 13, 27, 33, 31 at 39. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Gray at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Upang umunlad at lumigaya, ikilos at ipatupad ang iyong mga pangarap. Sa pag-ibig, malaki ang maitutulong ng kasuyong Capricorn upang magma-materialize ang lahat ng bagay na iyong iniisip.  Mapalad ang 8, 11, 20, 29, 38, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padma-Om-Purana.” Silver at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending