John Lloyd malayang-malaya sa bagong buhay, babu sa 'burnout' | Bandera

John Lloyd malayang-malaya sa bagong buhay, babu sa ‘burnout’

Cristy Fermin - May 30, 2019 - 12:25 AM


ITINUTURING nang isang medical condition ngayon ang pagiging burnout. Parang stress, parang depresyon, kasama na sa mga tinututukang kundisyon ngayon ng mga doktor ang pagiging burnout.

Usung-uso ang salitang ‘yan sa mga artista. Kapag may mga personalidad na palaging wala sa mood, kapag may mga artistang palaging nakasimangot, ang dahilan daw nu’n ay pagiging burnout na sa ikot ng kanilang buhay bilang mga artista.

Isa sa mga ibinigay na halimbawa ng pagiging burnout ay ang biglang pagtalikod-paglayo ni John Lloyd Cruz sa kanyang career. Kahit sino ang tanungin, isa lang ang pinakasimpleng sagot na ibinibigay, masyado na raw na-burnout si JLC sa kanyang trabaho.

Araw-araw, sa loob nang ilang dekada, ay ganu’n ang rutina ng kanyang buhay. Matutulog siya nang bitin, kapos sa pahinga, dahil sa kanyang trabaho.

Gusto pa niyang magpahinga, pero hindi puwede, dahil kailangan na niyang mag-report sa shooting. Palaging ganu’n ang ikot ng kanyang buhay sa araw-araw.

Sabi ng aming source, “Bago siya nag-hibernate, e, madalas nang sabihin ni Lloydie na parang wala nang bago sa buhay niya. Shooting, taping, pictorial, provincial show, palaging ganu’n na lang!

“So, na-burnout siya, nainip, parang nagsawa, naburyong, ganu’n ang nangyari sa kanya. Wala kasi siyang pahinga, very routinary ang mga ginagawa niya, kaya ngayon lang talaga niya nararanasan ang ganyang buhay ngayon.

“Puwede siyang matulog nang hanggang gusto niya, wala siyang iniisip na trabahong mabibitin kapag hindi siya nag-report. Malayang-malaya siya ngayon sa sitwasyon niya,” kuwento ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending