Nonie, Shamaine naghalikan ala-KathNiel | Bandera

Nonie, Shamaine naghalikan ala-KathNiel

Reggee Bonoan - May 30, 2019 - 12:10 AM


TAWA kami nang tawa sa trailer ng “Sunshine Family” na naka-post sa Facebook page ng Spring Films na mapapanood na sa mga sinehan simula sa Hunyo 5.

Ito’y pinagbibidahan ng mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino, Marco Masa, Sue Ramirez at K-Pop idol Shinwoo ng Blanc7 mula sa direksyon ng Korean director na si Kim Tai Sik.

Seryoso ang mga pangyayari pero natatawa kami sa mga linya ng mga nagsiganap dahil ang galing ng batuhan nila sa isa’t isa.

Base sa trailer ay sa Korea nakatira ang pamilya Mapalad sa loob ng limang taon hanggang sa nagpaplano na silang umuwi ng Pilipinas nang makasagasa naman si Don (Nonie) ng minamaneho niyang taxi.

At dahil ayaw siyempre ng pamilya na may mangyari kay Nonie kaya itinago nila ang aksidente pero sadyang walang lihim na hindi nabubunyag.

May mga tsismoso at tsimosang kapitbahay na nakaalam ng kanilang lihim at hinihingan ang mag-asawa ng $100,000 para hindi sila magsumbong sa mga kinauukulan.

Aliw na aliw kami sa naisip na paraan ng pamilya dahil ginawan nila ng paraan ang kotseng nakabangga para hindi mahalata.

Bagama’t ilang ulit na kaming nakarating ng Seoul, Korea, hindi pa namin nalilibot ang lahat ng napuntahang locations kung saan nag-shooting ang “Sunshine Family.” Napakaganda talaga ng nasabing bansa.

Sana matulad sa pelikulang “Kita Kita” ang “Sunshine Family” in terms of box-office success dahil maganda talaga ang pelikula handog ng Spring Films at Film Line Pictures Productions.

By the way, aliw din ang eksenang ginaya nina Nonie at Shamaine ang eksenang hinalikan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo sa pelikulang She’s Dating the Gangster” (2014).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending