Payo ni Nonie Buencamino: Kung kailangan mong maging pangit at magmukhang mabaho, dapat gawin mo yun
TATLONG dekada na sa showbiz ang award-winning character actor na si Nonie Buencamino kaya naman isa na rin siya sa maituturing haligi ng entertainment industry.
In fairness, hanggang ngayon ay talagang humahataw ang career ng aktor at very visible pa rin sa mga teleserye at pelikula at iyan ang dahilan kung bakit tinitingala at nirerespeto siya ng mga kapwa artista, beterano man o baguhan.
Isa na nga sa mga humahanga sa kanya ay si Paolo Gumabao na nakasama niya sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” kung saan gumanap sila bilang mag-ama.
“Kuwento siya ng samahan ng mag-ama, yung kuwento ng pagmamahal sa bawat isa para maitaguyod yung kanilang mga sarili.
“Kung paano sila mabuhay at kung paano sila magkaroon ng lakas ng loob na mabuhay sa mundo. So makikita niyo sa kuwentong ito kung paano sila magbabago para masuportahan ang isa’t isa,” kuwento ni Nonie sa virtual mediacon ng “MMK” kamakailan.
Reaksyon niya sa napakataas na pagrespeto at paghanga sa kanya ni Paolo, “Nagtataka lang ako kasi baka he discovered that I’m not what he expected me to be. Ha-hahaha!
“I’m older, I’m more experienced, but as an actor, we’re both learning lines and our blocking and ang importante naman kasi kapag magka-eksena, kailangan you are both just two players in a scene.
“So there’s really not much of a senior actor and a younger actor for the scene to work. Parang sabay kayo and you’re working together as a team.
“And that was what I enjoyed the most about Paolo because Paolo is intelligent and he does not give up and he is not sensitive. Hindi siya madaling ma-rattle. Kapag medyo hindi niya nakukuha, okay uulitin gawin so ang ganda ng process.
“So that is what I am most grateful for. And Paolo is also patient. Pag meron akong lines na hindi na-memorize tapos na-cut tapos nandun na siya sa height of emotion, he’ll just do it again.
“So what is most important is that you gain that camaraderie sa eksena. So it should not matter kung ito yung mas senior, mas kilala, mas magaling or mas matanda. You’re both working on supposedly the same level,” pahayag ng veteran actor.
Nang hingan ng mensahe at payo para sa mga baguhan at kabataang artista, “Actually hindi naman original yung ipinapamahagi ko sa mga young actors.
“It’s basically getting outside of yourself as a performer and try to portray to your best capacity what is true and real to the character that you portray.
“So kung kailangan mo maging pangit, kailangan mo maging pangit. Kung kailangan mo mag mukhang mabaho ay gagawin mo yun. Kung kailangan hindi ka malinis o hindi ka naka-makeup, huwag ka mag-makeup.
“Kasi ngayon, nangingibabaw kasi yung persona nu’ng tao sa social media nangingibabaw dun sa character. So what happens is that somehow it gets in the way of the craft.
“Pero palagay ko it’s an age-old advice from people who are very much into the craft of acting. Ang mga mensahe naman natin dapat sa industriya, sa mga kuwento, sa art, ang pinaka pagbabasehan ang totoong art, ang puso niyan ay galing sa katotohanan.
“Kapag wala yang pinagbasehang totoo, hindi art ang tawag diyan. So art is truth. So kahit na commercial, yung mga pelikula at teleseryeng pinalalabas natin at lahat lahat, kailangan naka-ankla yan sa katotohanan,” paliwanag pa niya.
https://bandera.inquirer.net/307947/nonie-shamaine-nangungulila-pa-rin-sa-yumaong-anak-makalipas-ang-7-taon-hindi-madali-yung-trauma-2
https://bandera.inquirer.net/285083/parang-lahat-po-ng-ginagawa-ko-sa-buhay-ko-kinakabahan-ako
https://bandera.inquirer.net/321861/matulis-na-character-actor-na-fall-na-naman-sa-bagong-leading-lady-mag-ingat-lang-siya-dahil-baka-makabuntis-siya-uli
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.