#AngBitter: Bong nanalo na, nagyabang pa | Bandera

#AngBitter: Bong nanalo na, nagyabang pa

Ronnie Carrasco III - May 30, 2019 - 12:01 AM


Isang klasikong halimbawa si Senator-elect Bong Revilla who finished at #11 nitong katatapos lang na midterm polls.

Andami kasi naming tawa—countless even—sa mga posts niya. Here is one candidate na nakalusot na nga sa Magic 12 who sounds bitter.

Ang alam kasi naming bitter ay ang mga taong talunan, specifically all eight opposition bets (OtsoDiretso) as none of them hardly made it, pero muntik-muntikan na.

Olats man pero kaagad nag-post ng kani-kanilang mensahe ng pasasalamat ang tinaguriang MATHGRAD based on their last names sa suportang ibinigay sa kanila ng mga matatalinong botante na nais magkaroon ng tunay na pagbabago.

And what about Bong’s post?

Nauna niyang ipinost na sana raw ay tantanan na siya ng mga bashers. Imposible ang gustong mangyari ni Bong as he is a public figure, therefore, he is under public scrutiny.

Now if he chooses to live a private life, the genie who’s released from the uncorked bottle will be happy to grant his wish. May natitira pa siyang dalawang kahilingan.

May kabuntot ang kanyang appeal that it’s about time to buckle down to work. Oo naman, Bong should get the work started as his way of making up for lost time while serving his sentence.

Hindi pa siya nakuntento sa post na ‘yon, emboldened by finally surviving the precarious situation na baka malaglag siya’t pumasok si Sen. Bam Aquino who was far more deserving than him.

Tulad ng ibang mga ‘di pinalad pero nakuha pa ring magpasalamat (now, isn’t that magnanimity in defeat?), nag-tenk yu rin si Bong sa lahat ng mga bumoto sa kanya (personally, why would we compromise our vote? Magkaalaman na).

Just when the madlang pipol thought na nagtatapos na sa period ang kanyang pangungusap ay dangling sentence pala ‘yon.

Sa mga hindi raw kasi bumoto sa kanya, sana’y ma-realize ng mga ito na mali ang kanilang desisyon.
We read a long thread of comments, all negative. Not a single post on social media concurred sa sinabi ni Bong.

Paanong naging mali ang ‘di pag-shade sa bilog opposite his name? Bong must be thinking highly of himself na wari’y isang malaking kabobohan—an electoral idiocy—na hindi siya iboto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanalo na siya’t lahat, may nalalaman pa siyang hanash? Winner(?) ka na nga, bitter ka pa?!
‘Kaka-“banash” ‘yan, mga manash!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending