DEAR Atty.:
Salamat sa kolum ninyo na Ibandera ang Batas dahil malaki ang naitutulong nito sa maraming mamamayan na gaya ko na hindi sapat ang kaalaman sa maraming batas sa ating bansa.
Ang ilalapit ko po sa inyo ay tungkol sa problema ko tungkol sa anak ko. May anak po ako sa labas na one year old. Magkano po ba ang dapat kong itustos sa bata, base sa ipinaiiral na batas.
Sana po ay mailathala ninyo ang aking katanu-ngan at masagot ninyo. Maraming salamat po and more power. – Jun, Cebu, …7717
Dear Jun:
Salamat sa iyong sulat. Ang mga katulad mo na tumatangkilik sa abang kolum na ito ang siyang nagpapalakas sa amin ng loob na huwag mapagod sa pagtulong sa kapwa Pinoy sa pamamagitan ng ganitong uri ng public service. Salamat pong muli.
Tungkol naman po sa inyong katanungan, wala namang nakalagay sa batas sa kung magkano ang minimum na dapat na ibigay na financial support ng isang magulang sa kanyang anak.
Maaring P4,000 o pwede rin na P40,000 o higit pa, ayon na rin sa dikta ng inyong puso’t isipan. Ang financial support sa isang anak ng mga magulang ay nagiiba. Siyempre nakabase iyan sa hanapbuhay at sweldo, o kakayanan ng isang ama o ina na makapagbigay ng sustento sa isang anak.
Halimbawa, kung ang inyong sweldo ay P15,000 kada buwan, maaari kayong makapagbigay ng 1/3 ng inyong sweldo. Ibig sabihin P2,500 tuwing kinsenas at katapusan. Samakatuwid, depende iyan sa inyong sweldo. Maari rin itong magbago. Maaring mas mababa depende nga ito sa kakayanan at pangangailangan. Meron ngang ibang mga magulang, buong sweldo ang kanilang ibinibigay na financial support sa kanilang anak. Ito ay bunsod na maaaring may iba pang negosyo o trabaho ang nasabing magulang. — Atty.
Dear Atty.:
Regarding po sa inang nagtaksil, papaano po kung idedemanda siya ng kanyang asawa at siya ay nakulong. Kanino po mapupunta ang anak? Kung hindi naman capable ang ama na mag-alaga at magprovide sa pangangailangan ng kanyang mga anak, sino po ang susunod na pwedeng pag-iwanan ng mga bata? – Van, 28, San Fernando, La Union, … 4140
Dear Van:
Kung ang isang magulang ay nakulong, sa anomang kadahilanan, ang natitirang magulang ang may custody sa kanilang mga anak. Kung hindi kaya ng magulang, maaring ang mga kamag-anak ng ina o ama ang bigyan ng kostodiya. Hindi naman nakasaad sa batas kung sinu-sino ang mga kamag-anak ang automatic na makakakuha ng custody. Ito po ay pinag-aaralang mabuti ng Department of Social Welfare and Development kung sino sa mga kamag-anak ang makakapagbigay ng tamang gabay sa mga menor. – Atty.
Editor: May komento o reaksyon ba kayo sa artikulong ito? O may nais ba kayong isangguni kay Atty.? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 o 09277613906..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.