ALAM ng lahat ng kanyang fans at social media followers na may mga tattoo ang Kapuso actress na si Lovi Poe.
Pero alam n’yo ba kung ano ang ibig sabihin ng kanyang mga tattoo sa katawan?
Isang netizen ang nagtanong kay Lovi sa pamamagitan ng Instagram kung bakit siya nagpa-tattoo at kung may meaning ba ang mga ito sa kanyang buhay.
Sagot ng dalaga, may konek sa yumao niyang amang si Da King Fernando Poe Jr. ang lahat ng kanyang tattoo.
“My wings & my gravity, I call it the balance. It’s about my dad. He makes me fly but pulls me back to the ground,” aniya sa isa niyang tattoo.
At para naman sa isa pa niyang artwork sa katawan, “Quiet Child. Again, about my dad cause not a lot of people know our story.”
Si Lovi ay anak ni FPJ sa dating aktres na si Rowena Moran.
Sumakabilang-buhay ang King of Philippine Movies noong 2004 matapos ma-stroke, ilang buwan matapos siyang matalo sa presidential elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.