Pangakong taas-sahod sinisingil na ng mga guro | Bandera

Pangakong taas-sahod sinisingil na ng mga guro

Leifbilly Begas - May 25, 2019 - 05:56 PM

NANAWAGAN ang Alliance of Concerned Teachers sa mga bagong halal na senador na pagtuunan ng pansin ang pagtataas ng sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon sa ACT ang mga guro ay may pinakamababang sahod sa professional sector.

Ang entry level na guro sa pampublikong paaralan ay sumasahod ng P20,754, kulang pa sa P23,660 para mabuhay ang isang pamilya ayon sa pag-aaral ng IBON Foundation.

“The relentless and record-high surge in the price of oil, utilities, food, and other basic commodities under the Duterte administration further eroded teachers’ salaries; such that in 2018, the real value of their pay was a few hundreds less than the 2015 counterpart,” saad ng ACT sa isang pahayag.

Mayroong 800,000 guro sa pampublikong paaralan.

Ipinaalala ng ACT na sa limang pagkakataon ay ipinangako ni Duterte na tataasan ang sahod ng mga guro subalit kalahati na umano ang termino nito ay hindi pa rin natutupad.

Dapat din umanong tugunan ng gobyerno ang mga problema sa mga pampublikong paaralan na nagpapahirap sa pagganap ng guro sa tungkulin nito.

“We especially dare former SAP Bong Go, who listed in his proclamation speech the raising of teachers’ salaries as 3rd among his priority legislations, to exhaust all means and resources at his disposal to ensure that teachers will be provided decent pay. Go has previously pushed for the prioritization of uniformed personnel’s pay hike, he must employ the same urgency and commitment in the Senate to push for the passing of bills and resolutions that will immediately effect substantial pay hike for teachers.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending