TINATAYANG 20 barangay sa Quezon City ang apektado ng water interruption dahil sa emergency leak repair ng Manila Water.
Sinabi ng Manila Water na nagdulot ng accidental breakage ang isinasagawang joint leak repair at pipe interconnection ng kontraktor ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Elliptical Road sa Quezon City.
Inaasahan namang matatapos ang pagkukumpuni sa mga nasirang tubo sa Mayo 24.
Kabilang sa mga apektaodng barangay:
Ramon Magsaysay
Alicia
Santo Cristo
Bagong Pag-asa
Old Capitol Site
Vasra
Project 6
Culiat
New Era
Bahay Toro
Tandang Sora
Pasong Tamo
Central
Malaya
Pinyahan
Sikatuna Village
San Vicente
Teachers Village East
Teachers Village West
U.P. Village
Idinagdag ng Manila Water na tinatayang 242,000 katao o 44,056 households, commercial at business establishments ang apektado ng water interruption.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.