Baham Mitra, solo champion sa 2019 Thunderbird Manila Challenge | Bandera

Baham Mitra, solo champion sa 2019 Thunderbird Manila Challenge

- May 23, 2019 - 06:14 PM

TUMUHOG ng anim na panalo sa anim na laban ang entry ni Baham Mitra na Mitra 56 para maangkin ang solo championship ng 2019 Thunderbird Manila Challenge Extreme 6-Cock All Star Derby nitong Mierkules sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Ang prestihiyosong sagupaan na ito ay kinapalooban ng 50 kalahok mula sa Thunderbird Winning Team at ng mga regional derby champions sa buong bansa.

Si Baham ang bunsong anak ng yumaong House Speaker at hinangaan breeder ng manok-panabong na si Ramon Mitra na gumuhit ng kasaysayan sa larangan ng sabong nang kanyang mapanalunan ang Bacolod international derby noong dekada-1980 gamit ang kanyang mga kakaibang-lumaban na mga Mitra 56 na linyada.

Nangako si Baham na ipagpapatuloy ang ipinamana ng kanyang “Tatay” at matiyagang pinanatili at pinagbuti ang mga lahi ng pambihirang manok-panabong na Mitra 56 sa kanyang farm sa Puerto Princesa, Palawan.

Nang tanungin kung sa naniniwala siya na masayang nanood ang kanyang ama sa kanyang mga laban, sumagaot si Baham ng: “Sa palagay ko nga eh, nandito siya.”

Isa sa dalawang nagkampeon mula sa 2018 Thunderbird Challenge, ipinahayag ni Baham na dalawa sa kanyang mga nilaban ay mga “winners” noong nakaraan taon na mga Mitra 56-Crowsland White crosses. Ang isa rito ay Roligon-winner at ang isa ay hindi pa napungusan na anim na taong gulang na broodcock.

Sa kabuuan, ang tagumpay ng Mitra 56 ay pamamayani ng kakaibang estilo ng pakikipaglaban na nakapagbigay kalituhan sa mga nakatunggali, pagganti sa tamang pagkakataon at pagkaasintado sa bawat palo na pinapakawalan.

Ang entry ni Paolo Malvar na Skylight ay nabigo sa una nitong sultada, subalit nanaig sa sumunod na limang laban upang makuha ang runner-up honors kasama sina Bernie Tacoy (BGT GF), Evan Fernado (Erikka MOA MW) at sina Mayor Amben at Larry Amante/Melvin Monserrat/Neil (AA/LA Fantastic San Gabriel).

May tig-apat na panalo at isang tabla naman ang mga lahok na 4 Super Basti Bacolod (Dennis de Asis), Oliver Trainor (Nestor Vendivil), Angry Birds Aklan (Lawrence Lu), Bebot GF Apache (Bebot Monsanto) at BBSY GF Dapitan (Bentoy Sy).

Nagsara na may tig-apat na puntos ang mga entry na Crowsland (Laurence Wacnang), The Boss GF (Engr. Noel Llamedo), RBP Jaguar (Vice Mayor RBP), Arusip (Jong Diaz), MJ Ranzy (Franklin Cabiguen), Victoria (E. Ladores), Nilo Abellera Pagkakonsehal (Sammy Uy), Jan Joli (Dennis Sta. Maria) at ECT Aaliyah ni 2018 co-champion Vice Mayor-elect Engr. Expedito Taguibao ng Enrile, Cagayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending