Patolang aktres dadami ang kaaway pag pumasok sa politika | Bandera

Patolang aktres dadami ang kaaway pag pumasok sa politika

Cristy Fermin - May 23, 2019 - 12:20 AM

NGAYON pa lang ay kumokontra na ang maraming malapit sa isang pamosong female personality tungkol sa ideya ng kanyang pagpasok sa pulitika sa susunod na eleksiyon.

Ang kanilang dahilan ay hindi na niya kailangan pa ang pulitika, kumpleto na ang kanyang buhay at karera, magiging magulo lang ang kanyang mundo kapag itinuloy niya ‘yun.

Kuwento ng aming source, “Naku, huwag na! Hindi na niya kailangan ‘yun! Wala na siyang kailangang idagdag pa sa buhay niya, kumpleto na siya ngayon.

“Ang may gusto lang namang pumasok siya sa pulitika, e, ‘yung mga supporters ng family niya. Hinahamon siyang tumakbo, siya raw ang kailangan para mahawakan nila uli ang power sa city nila.

“Pero kung siya ang masusunod, e, ayaw niya sa politics, lumaki kasi siya sa mundong ‘yun, alam niya kung gaano ‘yun kahirap at kung gaano karaming balimbing sa politics,” simulang chika ng aming source.

Emosyonal pa naman ang kilalang female personality, konting kalabit lang sa kanya ay bumibigay na siya agad, nagwawala na.

Patuloy ng aming source, “Naku, hindi siya puwede sa pulitika, madaling uminit ang ulo niya! Gusto n’yo bang parang palaging may giyera sa entablado de kampanya niya tuwing magsasalita siya?

“Si ____ (pangalan ng pamosong female personality) pa? Aysus, patola kung sa patola ang babaeng ‘yun! Kapag pumasok siya sa pulitika, siguradong may aawayin siya araw-araw!

“Huwag na lang, hindi pang-politics ang personality niya. Madali siyang madala sa bulong, nakikinig siya agad sa mga sulsol, kaya siguradong marami siyang makakaaway!

“Mas magandang hindi na lang siya tumakbo, maglakad na lang siya, para pumayat siya! Ganu’n na lang ang gawin niya!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, remember, maglakad na lang daw siya, huwag na siyang tumakbo, para pumayat siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending