Ara Mina humingi ng sign kay Lord kung tatakbong konsehal sa Q.C. | Bandera

Ara Mina humingi ng sign kay Lord kung tatakbong konsehal sa Q.C.

Ervin Santiago - May 23, 2019 - 12:15 AM


NANGHINGI pala ng sign si Ara Mina kay Lord kung tatakbo siya uli nitong nakaraang midterm elections.

Ayon sa aktres, balak talaga niyang kumandidatong konsehal sa Quezon City ngunit nagdesisyon siyang huwag muna itong ituloy para maibigay niya ang kanyang 100 percent support sa tatay niyang si Ismael “Chuck” Mathay III na tumakbong mayor sa Q.C. pero tinalo nga ni Joy Belmonte.

“Yes, humingi rin ako ng sign kay God, e, if I’m going to run this election, hindi Niya ibinigay. So, wala yung sign,” ang pahayag ni Ara sa nakaraang presscon ng latest movie niyang “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story” na showing na ngayon sa mga sinehan.

Ano bang sign ang hiningi niya? “Wala naman, simple ano lang naman, na makakita ako ng white flower, yung mga ganu’n. Hindi ako nakakita ng white flower, instead, red!”

“So, iyon siguro, inano ni Lord na mag-focus muna ako sa business,” sey pa ni Ara na ang tinutukoy ay ang kanyang Hazelberry Café.

Hirit pa ng aktres, “And after election… actually, before election, nag-enrol pa ako ulit, nag-refresher course ako para may mga bago akong cakes na ilalabas, kaya focused na focused ako dito.

“Pero at the same time, nakakasingit pa naman ako ng TV guesting and, like, ito nga, itong movie naisingit ko pa,” kuwento pa ng leading lady ni John Estrada sa biopic ni Mayor Antonio Halili na “The Last Interview.”

Kinumusta naman kay Ara ang kanyang ama after ng eleksyon, “Okay naman siya. Alam mo naman ang dad ko, lagi lang naka-smile, ako pa nga yung mas tensyonado bago mag-election. Kasi lagi naman akong nakasuporta sa kanya.”

“Sabi ko nga supposed to be, ako talaga ‘yung tatakbo for councilor and then, siyempre, ayoko kasing sumabay. Nu’ng sinabi niya na tatakbo siyang mayor, hindi na ako sumabay kasi na-try na namin yun before na sabay, ang hirap!

“Sobrang exhausted ako. So, sabi ko, susuportahan ko na lang siya. And okay lang din kasi yung business ko, medyo nasa pag-aayos ako ng system ngayon because I’m into franchising already.

“So, medyo hindi rin biro ang pag-set up ng system pag magpapa-franchise ka ng iyong business. And nama-manage naman nang husto yung time. So, I guess, hindi talaga time ng dad ko to be the mayor of Quezon City. Pero before, he was a former congressman,” aniya pa.

Sa 2022 elections, tuloy na ba ang pagtakbo niya? “May plano, pero depende pa rin, kasi marami pang puwedeng mangyari in three years, e. Baka mamaya sobrang busy na ako sa business ko at sabihin ko, hindi ko na maasikaso ang politics. So, we’ll see.”

q q q

Samantala, showing na ngayon nationwide ang “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story” kung saan gumaganap nga si Ara bilang misis ni Mayor Antonio Halili na ginagampanan naman ni John Estrada. Kasama rin nila sina Juan Miguel Soriano (as the mayor’s aide), Phoebe Walker (bilang anak ni Mayor na si Sweet Halili na nanalo bilang bagong mayor ng Tanauan, Batangas) at marami pang iba.

Ito’y sa direksyon ng broadcast journalist na si Ceasar Soriano, na gumanap naman as himself sa pelikula.

Sa presscon ng movie, nilinaw naman ni Direk Ceasar na hindi niya ginawa ang “The Last Interview” para gamitin sa kampanya ng kahit sinong politiko sa katatapos lang na eleksiyon.

Si Mayor Halili ay mayor ng Tanauan, Batangas na nakilala sa kanyang paglaban sa droga sa pamamagitan ng kanyang “walk of shame parade” o ang pagpaparada sa kalye ng mga sangkot sa droga. Walang-awang pinatay ang alkalde habang nasa flag ceremony noong July 1, 2018.

“Are you saying na ginawa ko ito para sa pulitika? Hindi naman. Kasi hindi naman siya tumakbo, and hindi ko naman akalaing tatakbo pala ang anak niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya nga para hindi masabing gagamitin sa eleksyon, after ng elections kami nag-decide na i-showing nito. MTRCB approved it with four lawyers of the government, during the preview. They were so appreciative of the movie. They said it’s very inspirational, at hindi siya about politics. Hindi siya pamumulitika,” paliwanag ng producer-director.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending