ISA ang nanalo ng P107.2 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola noong Martes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa Toledo City, Cebu. Siya ang nagiisang nakakuha ng winning number combination na 19-34-25-01-04-13.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City.
Nanalo naman ng tig-P24,590 ang 58 mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P410 naman ang 2,718 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 40,732 mananaya na nakatatlong numero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.