Kathryn-Alden movie walang naging aberya: good karma
TAPOS na ang principal photography ng movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang “Hello, Love, Goodbye.”
Nagkaroon na ng cast party recently at ayon sa report ang nag-cater sa event ay ang Concha’s ni Alden, and take note, may pa-lechon at pa-ice cream pa.
Sa totoo lang, magaan ang pagsasama nina Alden at Kath sa movie dahil kahit sa Hong Kong kinunan ang ilang bahagi ng pelikula, wala kaming narinig na nagkaroon ng problema sa schedules ng cast o sa production mismo.
At bukod sa friendship nina Alden at Kathryn, naging katropa na rin ng Pambansang ang co-stars nilang sina Jorross Gamboa at Jeff Tam. Naging bonding nilang tatlo ang mga paandar na magic ni Jeff.
After the shoot, diretso na sa post production ang “Hello Love Goodbye” at susundan na ng promotion. Bongga kung ipalalabas ito sa school opening huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.