#Karma: Aktor-politiko nganga na nga sa eleksyon 2019, nagkautang-utang pa
HANGGANG ngayon ay Viterbo pa rin, as in sobrang bitter, ang isang kilalang actor-politician na natalo nu’ng nakaraang eleksiyon.
Dinaya lang daw siya, hindi siya natalo, madiin pang kuda ng pulitiko.
Marami nang nagpapayo nu’n pa sa male personality na huwag na siyang tumakbo dahil ilang beses na siyang natatalo pero ayaw pa rin niyang papigil.
Siya raw ang kailangan ng kanilang probinsiya, siya raw ang hinahanap ng kanyang mga kababayan, kaya kailangan niya pa ring kumandidato.
Kuwento ng aming source, “Matigas kasi ang ulo niya, wala siyang pinakikinggan, kahit sino ang magpayo sa kanya na palipasin niya na muna ang mga darating pang eleksiyon, talagang ayaw niyang makinig!
“Mainit talaga siyang makabalik! May mga nagsasabi raw kasi sa kanya na mula nu’ng mawala siya sa posisyon, e, kung anu-ano na ang nangyari sa probinsiya nila!
“Nakikinig kasi siya sa mga amuyong na ‘yun, e, natural, kakampi niya ang mga nagsasalita, alangan namang siraan siya?” madiing komento ng aming source.
Ang masakit pa, talo na nga ang male personality ay laslas pa ang kanyang bulsa, nagkasangla-sangla pa ang mga propyedad na naipundar nilang mag-asawa.
“Marami na siyang utang dati pa, marami siyang inabala nu’ng isa pang pagkandidato niya bago ngayon. Pero talo siya, di ba?
“E, ayaw niyang magpaawat, tumakbo na naman siya! Ayun, nagkautang-utang na naman siya, e, nagkasangla-sangla pa ang mga properties nila! Mahirap kasi siyang awatin, lalo siyang nanggigigil habang inaawat siya!
“Magpalipas muna siya ng panahon. Malay natin, baka naman manalo na siya sa mga susunod pang laban niya? Pero huwag muna sa mga panahong ito, talagang walang mangyayari sa kanya!
“Naku, e, tanggap na nga ng ibang mga kapamilya niya na winalis na talaga ang angkan nila sa mapa ng pulitika, pero siya, sumisigaw pa siya na dinaya lang daw siya!
“Naku, ha? Tantanan na ang pagiging bitter, ergo, tanggapin niya na lang ang naging kapalaran niya!” nakataas ang kilay na komento pa ng aming source.
Mauupo pa kaya kayo ngayon n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.