Vice Ganda bad trip sa epal na bashers: Nag-shopping lang wala na agad empathy! Empathy mo mukha mo! | Bandera

Vice Ganda bad trip sa epal na bashers: Nag-shopping lang wala na agad empathy! Empathy mo mukha mo!

Ervin Santiago - May 20, 2019 - 12:33 PM

VICE GANDA

TINALAKAN ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mga netizens na nam-bash sa kanya nang dahil lang sa kanyang pagsa-shopping.

Hindi pinalagpas ng TV host-comedian ang pang-ookray sa kanya sa social media lalo na ang pagtawag sa kanya ng “insenstive” at “walang pakialam sa kapwa.”

Nagsimula ang issue nang mag-post sa Twitter si Vice sa plano niyang pagrampa sa New York kung saan ginanap ang kanyang

“Ang Fantastic ng Vaklang Twoooh” concert recently.

“Andaming nag-aaway, andaming galit andaming nagkakagulo sa Twitter, sa FB sa IG. Valakayojen!!!! Shopping muna ko. More shoes! More outfit! More fun! My life is sooooo good,” pahayag ng It’s Showtime host.

May mga natuwa at naaliw sa kanyang tweet pero meron ding nambasag sa kanyang trip.

“This tweet reeks of privilege. But what do we expect from her. Makabili din sana siyang sensitivity and empathy,” comment ng isang netizen.

“Sobra. Insensitive na, privilege[d] pa,” sabi pa ng isang nakabasa sa tweet ni Vice.

Nabasa ni Vice ang mga komento ng netizens nang nasa Calgary, Canada na siya para sa next stop ng kanyang concert. At dito na na nga niya inilabas ang kanyang saloobin.

“Nag-tweet lang ako ng magsha-shopping ako sinabihan na ko ng mga feeling woke ng ‘privileged’! Bakit ako lang ba nakakapag-shopping sa buong mundo? Mga shunga!

“Punta ka ng mall kahit walang trabaho nagsha-shopping! Dunung dunungan ang mga p**ahang feeling woke,” unang resbak ng komedyanye.

Pagpapatuloy pa niya, “Sa mga Pilipino di pagiging ‘PRIVILEGED’ ang pagshashopping. Kahit mahirap nasa mall at may binibili. Kaya nga andaming mall sa Pinas dahil trip yan ng mga Pinoy. At kahit isa lang ang binili mo at sale pa shopping pa din ‘yun.”

Hirit pa ni Vice, “And I don’t have to brag about my monetary capabilities. Everybody knows I’m a millionaire because I’m a hardworking Filipino. B**ch! Sabay hampas ng balakang. Catwalk. Exit!”

At dahil sa tindi ng galit niya, in-expose rin ng TV host ang ilang netizens na nam-bash sa kanya sa pamamagitan ng pagpo-post ng screenshots ng palitan nila ng maaanghang na salita.

“Eto ‘yung ilan sa mga muntik ng ma-stroke dahil sa pagsha-shopping ko. I do not know lang ha! Kissshhhh nga mga mamshies.

“‘Yung mga feeling WOKE at mga WOKE WOKAN ang mga pinakatoxic na tao sa social media. Sa true. Sa real,” aniya pa.

“You don’t just say or tweet the word EMPATHY. You stand up and help. May mga natulungan na ba kayo? May mga nasagip na ba kayo? Maka-empathy lang ang mga po**h! Nag-shopping lang wala ng empathy! Empathy mo mukha mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Aminin nyo nag-eenjoy kayo sa mga hanash ko! Hahahaha! Actually inenjoy ko din. O siya na vorlog na kayo at rarampa na ko talaga. Yabyu,” ang mahaba pang litanya ng Phenomenal Box-Office Star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending