Sulat mula kay Merlinda, ng Barangay
Lawigan, Bislig City
Dear Sir Greenfield,
Walong buwan ko nang ka-chat ang foreigner at napakainit na ng aming pagkakaibigan sa internet at cam.
Kaya naman masasabing boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako.
Sabi niya sa akin sa December ay papasyal siya dito sa ating bansa upang yayain na akong pakasal.
Itatanong ko lang po kung siya na ba ang makakatuluyan ko, malaki po kasi ang agwat ng aming edad. Feb. 20, 1968 ang birthday niya at November 9, 1990 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Merlinda, ng Barangay Lawigan, Bislig City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bukod sa iisa lang ang Marriage Line sa iyong palad, kapansin-pansin ding may malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin, kung sino ang first love mo iyon na ang iyong mapapangasawa at pagkatapos ng nasabing pag-aasawa, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
King of Diamonds, Five of Hearts at Six of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking mayaman o may kaya sa buhay ang iyong mapapangasawa at sinasabi ding nakatakda na rin kayong magkikita.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.