ITINANGGI ng Palasyo na naospital si Pangulong Duterte matapos mapaulat na dinala siya sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.
Sa isang pahayag, iginiit ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nasa Bahay Pangarap si Duterte.
“There is no truth to the rumor circulating that President Rodrigo Roa Duterte is confined in Cardinal Santos Medical Center in San Juan,” sabi ni Panelo.
Wala namang klaripikasyon pa sa Palasyo kung nagpa-check up si Duterte sa Cardinal Santos.
“The President is in his residence at the Palace signing papers. I just talked to him, he is neither confirming nor denying that he went to the hospital,” ayon pa kay Panelo.
Napaulat pa na dinala si Duterte sa ospital bagamat naiuwi na.
Tiniyak ni Presidential Security Group (PSG) Spokesperson Capt. Zeerah Blanche Lucrecia na maayos ang kalusugan ni Duterte.
“However, we can assure you that the President is well and good,” sabi ni Lucrecia.
Naglabas pa ng mga litrato ni Duterte si senator elect Christopher “Bong” Go na nagbabasa ng diyaryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.