OPM Hitmen pinaligaya ang mga taga-Visoria, Nueva Ecija | Bandera

OPM Hitmen pinaligaya ang mga taga-Visoria, Nueva Ecija

Cristy Fermin - May 17, 2019 - 12:20 AM

OPM HITMEN: RENZ VERANO, RICHARD REYNOSO, RANNIE RAYMUNDO AT CHAD BORJA

Minsan pang naging maligaya ang aming mga kanayon sa Visoria, Quezon, Nueva Ecija nu’ng nakaraang fiesta sa aming mahal na lugar. Umahon mula sa bukid ang aming mga kanayon para makisaya sa isang panalong show na hatid ng maaasahang grupong The OPM Hitmen.

Isang dire-diretsong show ang ibinigay nina Renz Verano, Chad Borja, Rannie Raymundo at ng katatapos lang operahan sa lalamunan na si Richard Reynoso.

Mula sa umpisa hanggang sa pinakahuli nilang kanta ay walang babaan ‘yun sa entablado, naghahali-halili lang sila sa pagkanta, pero walang umaalis para magpahinga.

Walang nasayang na oras, pagkatapos kumanta ng isa sa grupo ay may kasunod na isa pa, ngayon lang nagkaroon ng ganu’n kadiretsong performance ang mga iniimbita naming artista at singers para magpasaya sa aming mga kababaryo.

Nakikanta ang audience sa “Ikaw Lang” ni Chad Borja, ganu’n din sa “Why Can’t It Be” ni Rannie Raymundo, sa pinalakpakang “Paminsan-Minsan” ni Richard Reynoso at sa sinabayan ng audience na “Remember Me” ni Renz Verano.

Panalo talaga ang grupong ito hindi lang sa mga concert kundi maging sa mga fiesta dahil sa mga pinasikat nilang piyesa.

Ang fiesta sa aming lugar ang nagbukas sa muling pagkanta ni Richard Reynoso pagkatapos nang dalawang buwang pahinga mula sa kanyang throat operation.

“Pinaghandan ko po ito, talagang kailangan kong kumanta tonight, gusto kong pasayahin ang mga kababaryo n’yo,” nakangiting sabi ng magaling na singer.

Mula sa pamunuan ng Visoria, Quezon, Nueva Ecija at mula sa amin, maraming-maraming salamat sa The OPM Hitmen, mabuhay kayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending