K-Pop idol Shinwoo tinuruan ng kalokohang Pinoy ni Sue Ramirez | Bandera

K-Pop idol Shinwoo tinuruan ng kalokohang Pinoy ni Sue Ramirez

Ervin Santiago - May 16, 2019 - 12:10 AM


ANG bongga pala ng Kapamilya young singer-actress na si Sue Ramirez!

Nakatrabaho lang naman niya ang K-Pop idol na si Shinwoo ng Blanc 7 boy band sa bago niyang pelikula which was shot entirely in South, Korea.

Ang tinutukoy namin ay ang pelikulang “Sunshine Family” na pinagbibidahan din ng celebrity couple na sina Nonie at Shamaine Buencamino at Kapamilya child star Marco Masa.

Sa nakaraang presscon ng “Sunshine Family” under Spring Films and Korean studio Film Line Pictures Production, naikuwento ni Sue ang naging experience niya working with Shinwoo for the first time.

“In-expect ko talaga na mahihirapan ako kasi una sa lahat language barrier. Malaking factor kasi ‘yun with ‘yung workplace, kung paano kayo mag-communicate with each other. Siyempre iba ‘yung culture, iba ‘yung way of living talaga kumpara sa Pilipinas at sa mga Koreano. Pero sobrang naging smooth lang,” lahad ni Sue.

Pagpapatuloy pa niya, “Ang bait-bait ni Shinwoo tapos ang cute kasi nagpapaturo rin siya sa amin mag-Tagalog at anu-anong kalokohan ang tinuturo namin sa kanya so it was a very fun experience and we got to sing together. Meron po kaming ni-record na kanta in Korea na magiging parte ng pelikula so it was a great experience.”

Bilib na bilib din daw ang dalaga sa sistema ng Korean entertainment industry, marami siyang natutunan while shooting their movie, “Pinakabagong experience ko or knowledge na natutunan ko is working with Koreans talaga. Kung papaano sila sa set na sobrang tahimik nila magtrabaho, na kapag work, work talaga, on time sila palagi.”

Sa tanong kung ano ba ang aasahan ng madlang pipol sa “Sunshine Family”, sagot ni Sue, “Sumalamin siya sa bawat pamilyang Pilipino na kahit na anong lalim o kahit anong hirap na pinagdadaanan, hinding-hindi mo makikita sa bakas ng mukha natin kahit saang bansa mo dalhin, Filipinos are known to be happy people.

“Laging nakangiti, very hospitable na kahit walang makain ipapakain pa rin sa bisita ‘yung pagkain so iyon ‘yung representation of a Filipino family that was represented beautifully in this movie,” dagdag pa niya.

Ang “Sunshine Family” ay ibinase sa 1991 Japanese movie “Hit And Run Family”. Isa itong drama-comedy kung saan gaganap sina Shamaine at Nonie bilang mag-asawang Sonya at Don Mapalad. Sina Sue at Marco ang magiging mga anak nila as Shine and Max. Limang taon na silang naninirahan sa Korea at haharap sa isang matinding pagsubok matapos ma-involve sa hit-and-run accident si Don.

Showing na ang “Sunshine Family” sa June 5 nationwide sa direksyon ng Korean director na si Kim Tai Sik.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending