Local celebs napamura, na-bad trip sa resulta ng Eleksyon 2019
Ilang artista ang matapang na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa naging partial results ng midterm elections sa bansa, lalo na sa mga nangungunang kandidato sa pagkasenador.
Isa sa mga local celebrities na very open sa kanyang pagkabwisit sa pagpasok sa top 12 senatorial candidates ng ilang kuwestiyonable ang pagkatao ay ang Kadenang Ginto actor na si Adrian Alandy (dating Luis Alandy).
“Talaga bang nasa top 12 ang mga kriminal at magnanakaw?! Ano bang nangyayari sa Pilipinas?! Gusto nyo talaga ah!” ang hugot ni Adrian. Binanggit din niya ang mga pangalan nina Bong Revilla at Imee Marcos na ilan sa mga kandidatong ayaw niyang mailuklok sa senado.
“Sa mga nababayaran ang boto! Eto ang sa inyo!! DRACARYS!” pahabol pa ng aktor.
Napamura rin ang anak ni Bembol Roco na si Felix Roco na nagsabing fake news ang sinasabi ng ilang senatoriables na may malasakit sila sa Pilipinas, karamihan daw sa mga ito ay manloloko at sinungaling.
Diretsahan niyang inakusahang magnanakaw ang isang senador na pumasok sa Top 12 base sa partial resulta ng Comelec, “Wag mong sasabihin mahal mo bansa mo kung magnanakaw binoto mo…..flying kick sa leeg aabutin mo. Voting here in the Philippines is just tang** i**a pare!”
Kahit ang Kapuso actor Kristoffer Martin ay na-bad trip din sa resulta ng eleksiyon, “Nalulungkot ako sa resulta. Ano Pinas? Gusto natin ng asenso pero di natin masimulan sa tamang boto?”
Sabi naman ng Kapuso actress at Dragon Lady lead star na si Janine Gutierrez, sobrang nalulungkot siya sa resulta ng botohan, “OMG PILIPINAS YOU’RE BREAKING MY HEART!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.