Imbestigasyon sa nangyaring aberya sa VCM nasa Kongreso na-Palasyo | Bandera

Imbestigasyon sa nangyaring aberya sa VCM nasa Kongreso na-Palasyo

Bella Cariaso - May 14, 2019 - 03:55 PM

 

SINABI ng Palasyo na desisyon ng Senado kung iimbestigahan ang nangyaring aberya sa maraming vote counting machines (VCMs) sa katatapos na eleksyon.

Sa isang briefing, iginiit naman ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dapat pa ring batiin ang Commission on Elections (Comelec) dahil naging mabilis naman ang paglalabas ng resulta ng bilangan.

“But let me congratulate Comelec, kasi ngayon lang tayo nagkaroon ng… within hours nakita na natin ang mga nanalo eh. Eh samantalang previous years ang tagal, weeks pa eh, kahit doon sa senatorial. Sa senatorial, ilang percent na ba, 92%? Oh 94, biro mo within hours, samantalang—di ba last three years ago parang isang linggo, ang laki ng improvement,” sabi ni Panelo.

Nauna nang isinulong ni Sen. Koko Pimentel ang imbestigasyon kaugnay ng kapalpakan ng mga VCMs sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Well, anything that will be for the betterment of this country, we always support. Siguro marami nang nagrereklamo sa Smartmatic, di let’s have the probe then by the Senate or by the House of Representatives,” ayon pa kay Panelo.

Idinagdag ni Panelo na batay naman sa mga eksperto dapat nang asahan ang nangyaring pagluluko ng mga VCMs. 

“I was listening to some experts saying that alam mo ‘yung makina, kung three years mong hindi ginagamit, eh most likely magkakaroon ng diperensiya ‘yan. Eh puwede nga, eh parang kotse din ‘yan; tatlong taon mong hindi gamitin ang kotse, baka hindi na mag-start iyon,” paliwanag ni Panelo. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending