Bistek kinalimutan ang politika para sa pamilya, babawi sa 2 anak | Bandera

Bistek kinalimutan ang politika para sa pamilya, babawi sa 2 anak

Reggee Bonoan |May 14,2019
facebook
share this

Bistek kinalimutan ang politika para sa pamilya, babawi sa 2 anak

Reggee Bonoan - May 14, 2019 - 01:20 AM

HERBERT BAUTISTA

Pagkatapos pala ng termino ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Hunyo 30 ay pahinga na muna siya. Marami raw silang plano ng mga anak niyang sina Athena at Harvey, kabilang na ang pagbabakasyon sa ibang bansa.

Kuwento sa amin ng isang taong malapit kay Bistek, “May mga plano na silang mag-aama, inaayos na ‘yung itinerary nila kung saan at anong bansa ang uunahing puntahan.”

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi na muna kumandidato sa anumang posisyon ngayong 2019 si Bistek dahil gusto niyang makasama ang mga anak na mga dalaga’t binata na.

“Supposedly kakandidato siyang congressman, di ba, kaso naisip niyang magpahinga muna para sa mga anak, kasi alam naman ng lahat na hindi siya 24 oras na nandiyan para sa mga anal, so gusto niyang bumawi ngayon,” sabi pa sa amin.

Biniro namin ang aming kausap na baka isang araw ay may nobyo na ang nag-iisang anak na si Athena bagay na hindi pa tanggap ni Mayor Bistek.

Pero ang totoo ay tila wala pa sa isipan ng dalaga ang magpaligaw dahil mas gusto nitong mag-aral na minana niya sa ama.

Anyway, isa pang tututukan din ni Bistek ay ang production outfit nilang Heaven’s Best Production na aktibo ngayon sa paggawa ng mga pelikula.

Nagdiwang naman ng kanyang 51st kaarawan si Mayor Herbert nitong Linggo, Mayo 12. Happy birthday Bistek mula sa pahayagang BANDERA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending