Ex-showbiz couple muntik nang ikasal pero biglang ‘nauntog’ si female star | Bandera

Ex-showbiz couple muntik nang ikasal pero biglang ‘nauntog’ si female star

Cristy Fermin |May 14,2019
facebook
share this

Ex-showbiz couple muntik nang ikasal pero biglang ‘nauntog’ si female star

Cristy Fermin - May 14, 2019 - 12:15 AM

‘YUN ang klase ng relasyon na inasahan ng marami na hahantong na dapat sa altar pero nabulilyaso pa.

Konting panahon na lang sana at magmamartsa na sa simbahan ang aktres pero naudlot pa ‘yun.

Nagkaroon ng problema sa parte ng lalaking personalidad, kulong ang aabutin nilang pareho kapag itinuloy nila ang pagpapakasal, ‘yun ang malinaw na dahilan.

Pero ayon sa isang source ay mas mabuti na ring nangyari ang ganu’n, dahil kung natuloy ang kanilang kasal, siguradong nagsisisi na ang babae sa mga unang buwan pa lang.

“May pagka-selfish ang guy, wala siyang pakialam sa ibang tao, sarili lang niya ang mahal niya,” simulang chika ng aming source.

Mapangarap lang daw kasi ang male personality, gusto nitong maabot ang langit sa larangang kinapapalooban nito, kaya hindi rin magiging maligaya ang female personality kung nagkatuluyan sila.

Patuloy ng aming source, “Instead na maging malungkot, e, naging masaya pa ang mga friends ng girl nu’ng magkaroon ng problema sa wedding nila ng male personality.

“Hindi rin kasi sila boto sa guy, masyadong feeling-matalino, parang alam na niya ang lahat-lahat. Pati nga ang family niya, e, binabangga ng lalaking ‘yun, di ba?

“Kaya napakasaya ng circle of friends ng girl nu’ng magkahiwalay sila. ‘Yun ang matagal na nilang wini-wish, ang mauntog sa katotohanan ang friend nila!” madiing komento pa ng aming impormante.

May mga nakarelasyon na ring kilalang female stars ang lalaking ito, pero hindi ‘yun nagtagal, naamuyan kasi agad ng mga kababaihan na wala silang mapapala kung ipagpatuloy pa ang pakikipagrelasyon sa lalaki.

Panghuling pahayag ng aming source, “Mahirap makarelasyon ang mapangarap. Pangalawa lang ang personal niyang buhay kapag ganu’n, kasi nga, ang mga dreams niya ang priority niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tsong naman, hindi puwede ang ganu’n, kailangang balansehin niya ang mga priorities niya, huwag masyadong mag-ilusyon, pinaghirapan nang mahabang panahon ng daddy niya ang naabot nu’ng tao!” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi na siguro kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, pramis!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending