Audition video ni Alex sa Darna viral na: Marami pa akong talent | Bandera

Audition video ni Alex sa Darna viral na: Marami pa akong talent

Bandera |May 14,2019
facebook
share this

Audition video ni Alex sa Darna viral na: Marami pa akong talent

Bandera - May 14, 2019 - 12:10 AM

ALEX GONZAGA

 

 

Aliw na aliw ang mga netizens sa viral “Darna Audition” video ni Alex Gonzaga na in-upload niya mismo sa kanyang YouTube channel.

Makikita si Alex na naka-costume ng Darna ngunit may suot siyang tila body stocking sa loob.

Pagpapakilala niya sa kanyang video, “I’m Alex Gonzaga and mag-o-audition po ako for Darna. So marami po akong talent, kaya ko pong kumanta, kaya ko pong sumayaw, tapos kaya ko rin ping magpuyat hanggang alas 5 ng madaling araw pero hindi ko po kayang gumising ng maaga kapag nagpuyat ako!”

Hirit pa niya, “Marami po akong hidden talent na hindi ko pa rin po nalalaman hanggang ngayon, nakatago pa po sila so tingin ko po marami pa.”

At siyempre, hindi pinalampas ni Alex ang chance na makasigaw ng “Darnaaaa!” at maipakita ang kanyang talent sa paggawa ng action stunts. In fairness, mahigit 1 million views na ang nakuha ng kanyang audition video.

Kayo ba mga ka-BANDERA gusto n’yo bang si Alex na ang pumalit kay Liza Soberano sa muling paglipad ni Darna sa big screen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending