Lorna 1 buwan lang sana sa Probinsyano: Hanggang September pa tatagal si Lily | Bandera

Lorna 1 buwan lang sana sa Probinsyano: Hanggang September pa tatagal si Lily

|May 13,2019
facebook
share this

Lorna 1 buwan lang sana sa Probinsyano: Hanggang September pa tatagal si Lily

- May 13, 2019 - 12:05 AM

ISANG buwan lang sana ang itatagal ng karakter ni Lorna Tolentino sa seryeng Ang Probinsyano ng ABS-CBN pero aabot pa raw ito hanggang September.

Ito ang ibinalita ng Grand Slam Queen sa pagpapakilala sa kanya the other day bilang bagong celebrity endorser ng Iconic Beaute ng Beautederm na pag-aari ni Rhea Anicoche-Tan.

Ayon kay LT, nagustuhan ng Dreamscape Entertainment at ng viewers ang development ng karakter niya sa serye bilang ang doble-karang si Lily kaya pinapirma na siya hanggang sa September, 2019.

Natanong ang aktres kung inspired ba sa katauhan ni Janet Napoles (ang negosyanteng sangkot sa PDAF controversy) si Lily, “Palagay ko, hindi lang naman siya ang pinagkunan, marami talaga. Maraming involved para mabuo si Lily, hindi lang isang tao.

“Marami siyang mukha, iba-iba siya. Hindi mo na talaga siya maintindihan. Marami na nga ang gustong pumatay kay Lily. Marami naman na parang tulad niya na hindi mo malaman kung kakampi mo ba o kalaban.

“Actually, ang itinatawag sa akin, Lily kaya medyo tinanggal ko muna yung bangs ko ngayon,” chika pa ni LT.

Samantala, perfect timing ang pagkuha sa kanya ng Beautederm bilang bagong ambassador dahil sumakto ito sa pagdiriwang ng 50th anniversary niya sa showbiz.

Isang certified icon of beauty, itinuturing si Lorna bilang pamantayan ng gold standard of beauty and elegance. Siya din ang pictorial queen ng 80s, 90s, at 2000s at naging industry leader siya sa larangan ng beauty and fashion dahil na rin sa chic at stylish looks na kanyang pinasikat sa loob ng tatlong dekada.

“Honored ako at sobrang saya ngayong bahagi na ako ng pamilya ng Beautederm,” sabi ni Lorna. “Ilang taon na rin akong loyal user at formality na lang ito dahil matagal na akong may tiwala sa bonggang produktong ito,” ani LT na talaga namang matatawag na “timeless beauty” dahil parang hindi talaga siya tumatanda.

Idol din ng Beautederm owner na si Ms. Rei (Rhea) si LT kaya hindi na niya pinalampas ang chance na maging bahagi ang Beautederm sa selebrasyon ng 50th anniversary nito sa movie and TV industry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ate LT is one of my dearest friends and I am very humbled to welcome her to the family. She is a remarkable human being and her beauty is striking as ever.

“A lot of people, including myself, are huge fans of her body of work as an actress as well as her legendary beauty. Ate LT is definitely a major asset to Beautederm Corporation and we are elated to have her onboard,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending