FDCP walang pagod sa pagtulong sa movie industry; Team Pinoy susugod sa 2019 Cannes filmfest | Bandera

FDCP walang pagod sa pagtulong sa movie industry; Team Pinoy susugod sa 2019 Cannes filmfest

- May 13, 2019 - 12:01 AM

NAKAKABILIB talaga ang powers at kasipagan ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño!

In fairness ha, halos every month ay may mga bago silang project para sa movie industry. Bukod sa pagtulong sa mga pelikulang Pinoy na kulang sa publicity na sa tingin nila’y malaki ang potential sa international market, humahanap din ng paraan ang FDCP para mas maging competitive ang mga Pinoy producer and director.

Talagang pumupunta ang grupo ni Liza sa iba’t ibang bansa para ipakilala ang mga Filipino film production companies sa global platform.

Tulad sa darating na May 15, maswerteng napili ang bansa bilang Spotlight Country sa gaganaping Cannes Producers Network ng Marché du Film. Ito ang pinakamalaking film market sa buong universe na ginaganap kasabay ng Cannes Film Festival.

Bahagi ng film market na ito ang Cannes Producers Network, isang exclusive na producers-only event na tinitipon ang producers mula sa buong mundo. Magkakaroon ng chance ang mga producers natin na makahanap ng international partners at makakuha ng oportunidad para sa international film co-productions.

Sa spotlight event ng Cannes Producers Network tampok ang Pilipinas sa May 21, itatanghal ng FDCP ang mga sumusunod na spotlight companies sa mahigit 300 international partners, kasama na ang pinakamalalaking film industry players sa bansa: APT Entertainment, Inc., Globe Studios, The IdeaFirst Company, Spring Films, at TEN17. May special participation din dito ang ABS CBN Films, ang pinakamalaking film production outfit sa Pilipinas na magsisbing Guest of Honor sa event.

Suportado rin ng FDCP ang mga sumusunod na promising producers na kasali sa event, pati na rin ang kanilang latest projects para sa international co-production: Monster Jimenez ng Arkeofilms, Treb Monteras ng Dogzilla, Maria Madonna Tarrayo ng UXS, Inc., Dan Villegas ng Project 8 corner San Joaquin Projects, Kriz Anthony Gazmen ng Black Sheep, Michaela Tadena ng Media East Productions, Pamela Reyes ng Create Cinema, at Arleen Cuevas ng Cinematografica Films.

“This is our second year as the Spotlight Country at the Producers Network and we are honored to have the opportunity to showcase our voice in the international film scene through the biggest film market and one of the most prestigious film festivals in the world,” pahayag ni Liza sa ginanap na send-off presscon ng FDCP para sa mga participants.

“Cannes is an exceptional platform for our filmmakers and film companies to share our stories to global audiences, and we can’t wait for them to collaborate with filmmakers from all over the globe and help them turn their dream film projects into reality through international co-productions,” sey pa ng FDCP chair.

Tampok din ang producers at production companies sa Marché du Film Pavilion ng Pilipinas sa Village International Riviera mula May 14 hanggang 23. Kasama rin dito ang BlackOps Studios Asia, Concept One, Epicmedia, Rocketsheep Studio, Sine Olivia Pilipinas, TBA Studios, Unitel Productions, Inc., at Visioncapture para bumuo ng partnerships at makipag-network sa content buyers at sellers.

Taun-taong lumalahok ang FDCP sa Marché du Film at sinusuportahan ang Philippine delegation ng film market at ng film festival. Ngayong taon, magho-host ang FDCP ng Marché du Film Pavilion kasama ang Singapore Film Commission.

Sa ginanap na presscon ng send-off para sa mga delegado ay ipinaliwanag ng mga film producer na kaya rin sila interesado sa project na ito ay para makalikom ng budget para sa pagpo-produce ng mga pelikula.

Ipinaliwanag din nila na may mga indie films na mas nauunang ipalabas sa ibang bansa bago ipalabas sa Pilipinas para raw pagdating dito ay mas pinag-uusapan na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagkakasundo naman ang mga direktor sa pagsasabing hindi totoong dying ang movie industry. Sabi nga ni Direk Dan Villegas, “Kung talagang dying na po ang movie industry ngayon bakit maraming trabaho sa paggawa ng pelikula? Bakit ang dami-daming independent film producers?”

Halos ganito rin ang pahayag ng ilang film producers na dumalo sa send-off presscon na sponsored ng FDCP kabilang na sina Paul Soriano ng Ten17 Films at Mike Tuviera ng APT Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending