Horoscope, May 13, 2019 | Bandera

Horoscope, May 13, 2019

Madam Sophia |May 13,2019
facebook
share this

Horoscope, May 13, 2019

Madam Sophia - May 13, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Eleksyon ngayon at tiyak na magkakapera ka ng malaking halaga. Magsuot ng kulay na dilaw, upang lalo ka pang suwertehin. Sa pamamagitan ng dilaw na kulay, dagdag na salapi ang matatangap. Sa pag-ibig ang dilaw din ang lalo pang magpapasarap ng relasyon. Mapalad ang 1, 8, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Amara-Dosya-Om.” Bukod sa yellow ang pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Itutok ang konsentrasyon sa nais mong makamit. Para dumami ang kinikita tutukan ang iyong ginagawa wag itong ipaubaya sa iba. Sa pag-ibig, may masarap na romansa kung mananatili ang iyong pagmamahal sa kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 9, 27, 38, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Aum-Agla-Gayatri-Om.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Venus ang ruling planet mo! Ibig sabihin lagi ka lang mag-paganda, kusa ng lalago at darami ang pera. Sa pag-ibig, laging papungayin ang mga mata u-pang maakit ang minamahal at ang magandang kapalaran. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Violet at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Hindi plano ang mahalaga, sa halip ang mas mahalaga ay maipatupad ang iyong ideya. Sa pag-ibig, ayain sa romantic na lugar ang kasuyong Libra. Sa pinansiyal, umpisahan na ang kalakal na may kaugnayan sa ibat-ibang uri ng gadgets. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 40 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Gray at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Ipagpatuloy ang pagiging mapagmahal. Kung lagi kang nagbibigay darating ang panahong ikaw naman ang bibigyan ng tadhana ng mas masaganang kapalaran. Sa pag-ibig, pagbutihin pang lalo ang paglalambing sa minamahal. Mapalad ang 2, 7, 27, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Krisna-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pag-ibig at pagkakaperahan may darating na magandang oportunidad. Wag ka ng umarte-arte at wag ka nang tumanggi-tanggi pa – sunggab agad ang dapat! Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Katha-Upanisad-Katha-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Magiging maligaya ang araw na ito! Hindi makakatanggi ang minamahal sa nais mong mangyari. Sa pinansiyal, tuloy ang pasok ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 6, 17, 28, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Blue at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Tama ang naisip mo – magluto ng bagong menu ng isang masarap na pag-kain noon mo pa nais na matikman. Ang mga produktong may kaugnayan sa pagkain ay maaari mong pagkakitaan. Sa pag-ibig, sa isang Virgo muling mahuhulog ang iyong loob. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Taneo-Om.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pinansiyal, basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy, tuloy-tuloy ding lalago ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, anoman ang balakid, ang pag-iibigan nyo pa rin ang manananiig sa dakong huli. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Blue at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Tama ang pasya mong umalis sa sinilangang bayan. Sa malayong pook, magtatagumpay ka at yayaman. Sa pag-ibig, sa isang sasakyang panghimpapawid o kaya’y pangdagat, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Maroon at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ikaw ang dapat mag-alok ng iyong mga produkto upang mabilis na yumaman. Wag umasa sa ibang tao. Sa pag-ibig, sabihin na sa minamahal ang matagal mo nang plano na yayain siyang magpakasal. Mapalad ang 4, 8, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Violet at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Ang mga salaping nawala ngayon ay maibabalik din sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, sa panahong may karamdaman, lalong iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 2, 13, 28, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Om.” Red at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—May lihim na naiingit sa iyo! Wag mo na lang siyang pansinin upang wag masira ang araw mo. Sa pag-ibig, tandaang naiingit sila sa iyo dahil mas maganda ka sa kanila – O di ba? Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Yoti-Bhama-Om!” Gold at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending