Horoscope, May 12, 2019 | Bandera

Horoscope, May 12, 2019

Madam Sophia |May 12,2019
facebook
share this

Horoscope, May 12, 2019

Madam Sophia - May 12, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Dagdag na sipag ang dapat upang mas maraming suwerte ang matanggap. Muling isuot ang damit na kulay pula upang makasagap ng isang maligaya at masarap na romansa. Mapalad ang 2, 12, 28, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Red at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Simplification ang susi upang magtagumpay. Wag gawing kumplikado ang buhay. Kapag nagawa mo iyan, pa-simple-simple lang pero rock, sa pag-ibig at pinansyal magtatamo ka ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 5, 19, 23, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Om.” Lilac at gray ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Magsuot ng red sa araw na ito, makikita mo, sa pinansyal, maraming salapi ang maglalaglagan mula sa langit. Sa pag-ibig ay ganon din, sa red na kulay masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 18, 21, 33, 39 at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mani-Padme-Om”. Bukod sa red ang pink ay buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Magtiwala sa kasuyo, makaka-tsamba rin siya ng malaking suwerte. Sa pinansiyal, kung hindi ka mag-iipon, sino ang maaasahan para sa future? Sa pag-ibig, magpaparamdam ang dating minamahal pero hindi mo na siya dapat pansinin. Mapalad ang 5, 14, 22, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra, “Radya-Neshaya-Om.” Blue at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Anoman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag guluhin ang isip sa mga problemang hindi pa dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isipan, mas masarap na romansa ang mararanasan at mas maraming salapi ang darating. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rata-Om,” Gray at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — May oportunidad ng paglalakbay na mararansan. Sunggaban agad. Sa malayong pook matatagpuan ang pag-unlad. Sa pag-ibig, sa isang kakaibang pagtitipon mami-meet ang iyong true love. Mapalad ang 2, 16, 24, 34, 40 at 47. Mahiwagang mong mantra: “Aum-Jai-Shari-Om.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa araw na ito darating na ang iyong hinihintay. Isang magandang balita na magdadagdag sa iyong kinikita. Sa pag-ibig, wala ng ibang darating, pagtiyagan ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 4, 9, 17, 26, 38 at 40. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa sandaling sumapit na ang tag-ulan, pagandahin ang kapaligiran, magtanim ng mga bulaklaking halaman. Ang aliwas at bulaklaking paligid ang magdadala ng magandang kapalaran, lalo na sa pag-ibig at materyal na bagay. Mapalad ang 6, 15, 20, 29, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Arjuna.” Mint green at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Huwag magpadaig sa kasuyo, sa career at sa lahat ng aspeto ng inyong ginagawa kailangang mapangibabawan mo ang iyong kapareha
upang tuloy-tuloy na umunlad at lumigaya ang inyong buhay. Mapalad ang 4, 19, 27, 36, 45 at 49. Mahiwagang mong mantra, “Hare-Hare-Rama-Rama”. Black at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Bukas ng umaga gumising bago sumikat ang araw. Isulat sa papel ang mga layunin. Makikita mo, kusa mo rin iyang makakamit pagdating ng araw. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon. Sa pinansiyal, wala sa kasalukuyang trabaho ang ikayayaman. Mapalad ang 8, 17, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Om.” Green at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Dagdag na sipag ang dapat upang lalo pang dumami ang salapi. Sa pag-ibig, huwag pag hinalaan ng di maganda ang kasuyo. Sa pinansiyal, sa tulong ng isang kapamilya, malaking halaga ng salapi ang aanihin. Mapalad ang 8, 13, 34, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Namah-Om-Namo.” Indigo at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Matapos ang maraming hirap na pinagdaanan may malaking sorpresang darating. Sa pag-ibig, gawing inspirasyon ang bawat miyembro ng pamilya. Sa pinansiyal, ituloy ang iniisip na negosyo kahit maraming komokontra. Mapalad ang 2, 16, 20, 29, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Namo-Loes-Sawa”. White at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mag-isip ng dagdag at bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, tuloy ang palihim pero nakakikilig at romantikong na relasyon. Sa pinansiyal, mapalad sa negosyong may kaugnayan sa modernong kasangkapan. Suwerte ang 1, 13, 25, 31, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra, “Abra-Ka-Dabra!” Apple green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending