Solenn nagbilad ng katawan sa Siargao, suot na swimsuit nagkakahalaga ng P8,500 | Bandera

Solenn nagbilad ng katawan sa Siargao, suot na swimsuit nagkakahalaga ng P8,500

Jun Nardo |May 12,2019
facebook
share this

Solenn nagbilad ng katawan sa Siargao, suot na swimsuit nagkakahalaga ng P8,500

Jun Nardo - May 12, 2019 - 12:20 AM

SOLENN HEUSSAFF

Pinaglaway na naman ng Kapuso sexy actress na si Solenn Heussaff ang mga kalalakihan at katomboyan sa kanyang halos hubo’t hubad na namang Instagram photo.

Kuha ito nang magbakasyon siya recently sa isang beach resort sa Siargao. Grabe naman kasi ang suot niyang “extra high-cut” copper custom-made swimwear designed by Boom Sason na nagkakahalaga lang naman ng P8,500.

Sa suot niyang swimwear, kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan mula harapan hanggang sa likod kung saan halos nag-hello na ang kanyang pwet, huh!

Mukhang okay lang naman sa asawa niyang si Nico Bolzico ang pagbibilad ng katawan ni Sos (palayaw ni Solenn) dahil pareho naman silang liberated.

Inggit na inggit naman ang female followers ni Solenn sa IG sa kanyang kaseksihan at katapangan sa pagpapakita ng hubad na katawan sa socmed.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending