Grae Fernandez payag bang makatrabaho ang daddy niya? | Bandera

Grae Fernandez payag bang makatrabaho ang daddy niya?

Julie Bonifacio - May 11, 2019 - 12:01 AM

KNOWS ni Grae Fernandez ang responsibilidad sa break na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment bilang bida sa bagong weekend serye na Hiwaga Ng Kambat. Sobrang nakakataba ng puso para kay Grae ang mabigyan siya ng ganito kalaking oportunidad.

Responsibilidad daw para sa kanya na ibigay lahat ng best niya at bilang lead ng show, dapat siya raw ang mag-anchor na mas mapaganda ang buong proyekto.

Kuwento ng pinaglayong kambal ang ginagampanan ni Grae at ni Edward Barbers sa Hiwaga Ng Kambat na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa ABS-CBN. Agad pumatok sa ratings ang serye with 24.4% rating sa pilit episode nito.

May bago ring kapareha rito si Grae sa katauhan ni Chantal Videla. Unang nakapareha ni Grae sa Kapamilya network ang Kadenang Ginto star na si Andrea Brillantes.

Habang kausap namin si Grae sa mediacon ng Hiwag Ng Kambat dinig na dinig namin ang boses ng kanyang ama na si Mark Anthony Fernandez. Kaya tinanong naming siya kung aware ba si Mark sa bago niyang serye kung saan bida na siya.

“Opo, saka syempre, tuwang-tuwa po siya na ‘yun nga lead po ako,” sagot ni Grae.
Nagkikita raw sila nang madalas ni Mark, nagba-bonding daw sila palagi at nagba-basketball. Habang ang kanyang “lola” naman na si Alma Moreno ay nakikita niya kapag may gathering daw ang pamilya sa father side niya.

“Sa side ng Daddy po, siya po ‘yung nagho-host talaga. So every year, halos every other month meron po kaming gathering.”

Hoping din si Grae na makasama sa isang proyekto si Mark, “Of course, open naman po ako sa lahat especially sa daddy ko.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending