Jake Zyrus: Nag-propose ako kay Shyre para patunayang she’s the one
Nakiusap si Jake Zyrus sa mga nag-interview sa kanya recently na hangga’t maaari ay huwag munang pag-usapan ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal ni Shyre Aquino.
Okay na raw ‘yung alam ng madlang pipol at ng kanyang mga supporters na nag-propose na siya sa kanyang girlfriend.
“Kaya ako nag-propose sa kanya kasi yun ang parang paraan ko letting her know that she’s the one, letting her know that she’s the one I want to spend the rest of my life with,” pahayag ni Jake.
Kung matatandaan, ibinandera nina Jake at Shyre ang kanilang engagement noong November, 2018.
Sinabi ng international singer na ipinagdarasal niya na sana’y si Shyre na nga ang kanyang “forever” and the one.”
“Parang masaya kami na sa amin muna (detalye ng wedding). For now, we enjoy yung small little privacy na nakukuha namin,” ani Jake nang tanungin kung kailan na nga ba sila magpapakasal ni Shyre.
Samantala, patuloy pa ring nakakatanggap ng ma negative comments si Jake mula sa mga bashers tungkol sa pagbabago ng kanyang pagkatao. Meron pa ring nagsasabi na hindi na siya sisikat uli dahil kasalanan ang ginawa niyang pagpapalit ng kanyang kasarian.
Sa isang IG post ni Jake sinabi niya na respeto lang ang kailangan para maintindihan ang kanyang desisyon. Aniya, “Hindi na natin kailangan ipaliwanag kung sino o ano tayo. Ang importante, kahit sino kaharap mo, i-respeto mo. Tanggap mo man o hindi, i-respeto natin bilang tao. Hindi naman siguro kasalanan ang maging mabait.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.