Nagmamahal o tanga lang?

By Beth Viaje May 08,2019
share this

Nagmamahal o tanga lang?

By Beth Viaje May 08,2019
share this

HELLO, Ateng Beth.

Ako po si Raymond, 27 years old at taga Makati po ako.
Meron po akong girlfriend at mag-iisang taon na po kami.
Sa isang taon naming magkarelasyon ay palagi na lang kami nag-aaway.
At sa tuwing nag-aaway kami ay palagi niyang isinusumbat ang mga naibibigay niya sa aking mga materyal na bagay at maging pera.
Madalas minamaliit niya ang pagkatao ko. Bobo raw ako at walang kwentang tao.
Sinasabi rin niya palagi na hindi niya panghihinayangan kung mag-break kami. Sobrang sakit po ang ginagawa niya sa akin. Mahal ko siya, o tanga lang siguro ako.
Ano sa tingin ninyo ang dapat kong gawin? Thank you and God bless.
Raymond, Makati

Juskopo Raymond! Nagtatanong ka pa kung tanga ka?
For sure ayaw mong sagutin ko yan. Ikaw lang makakasagot niyan.
Raymond, she’s not worth it!
Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo na find another woman or girlfriend who will respect and value what you can give.
Ang kawalan mo ng anumang materyal na bagay ay hindi lisensiya para ikaw ay maliitin ng sinoman, lalo pa ng isang tao na pinaguukulan mo ng pagmamahal.
Kung minamaliit ka niya at ipinaparamdam niya nang madalas ito sa’yo, nangangahulugang hindi ka niya mahal.
Hindi ‘yan healthy for your self-worth at in the long run, baka kamuhian mo pa siya.
Why are you staying? Bakit mo hinahayaan na gawin niya ito sa iyo?
If your GF thinks love is only about material things then what does it says about her, ‘di ba?
Gising na Raymond, and also look at yourself and your worth.
Do you deserve such comments from her? Iwan mo na siya please bago pa lumiit din ang tingin mo sa iyong sarili.
You deserve to be happy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending