Malasakit sa turista, malasakit sa kapwa Pinoy | Bandera

Malasakit sa turista, malasakit sa kapwa Pinoy

Susan K |May 08,2019
facebook
share this

Malasakit sa turista, malasakit sa kapwa Pinoy

Susan K - May 08, 2019 - 12:15 AM

MAY pera sa turismo.
Totoong totoo ito. Marami tayong mga kababayan na nagdesisyon nang hindi mangibang-bayan dahil sa turismo.

Mapalad ang mga kababayan nating naninirahan sa mga probinsiyang nahahanay sa mga top tourist destinations kung saan punong-puno ng mga dayuhan at lokal na turista.

Ibang-iba na rin kasi ang profile ng mga kababayan natin ngayon lalo na nang mga kabataan. Ito ang panahon na biyahe nang biyahe ang tao.

Kaya magandang pagkakataon ito para sa ating bansa kung saan patuloy na lumalago ang bilang ng mga turista.

Bawat probinsiya ay may tunay na ipinagmamalaki, lalo pa kung may mga beaches at isla sila na talaga namang pinag-uusapan ng mga dayuhan at sa bawat taon ay isinasama sa kanilang mga plano ng pagbabakasyon.
Ang mga turistang ito ang dahilan kung bakit may kabuhayan sa mga probinsya.
Sila ang dahilan kung bakit ayaw na ring mag-abroad ng marami dahil kuntento na sila sa kanilang mga kinikita habang kasama pa ang kanilang pamilya.
Tulad na lamang ni Tom, isang boatman sa Palawan.
Marami rin sana siyang tiyansa noon na makapag-abroad pero hindi niya iyon ginawa dahil maayos naman umano ang kanilang hanapbuhay at dollars din naman ang tip na natatanggap nila.
Kaya masaya na siya sa buhay probinsya.
Kung ang mga bisita nating turista ang siyang kabuhayan ng ating mga kababayan, dapat lang na pangalagaan natin sila.
Iparamdam nating tunay tayong nagmamalasakit sa kanila.
Proteksyunan at pagmamalasakitan, hindi lolokohin at aabusuhin.
Tulad na lamang kung may mga delayed flights, na tiyak na maaapektuhan ang ating mga turista.
Isipin nating may mga connecting flights sila at kung hindi sila umabot sa unang schedule ng eroplano palabas ng bansa, tiyak hindi na rin sila makakasakay sa mga susunod na eroplanong lilipatan nila.
Maging mabilis sanang umasiste sa kanila ang mga airline company sa mga panahong ganito.
Alamin nila kung sino sa mga apektadong pasahero ang kailangang kaagad makabalik ng Manila para sa mga susunod pa nilang flight schedule.
May magagawa rin tayong mga simpleng mamamayan. Maaari nating ibigay ang ating slot sa ating mga flight para sa mga turistang bisita natin, magparaya na muna tayo para paunahin na sila.
Napakalaking bagay sa kanila iyon. Sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila at pagiging makonsiderasyon, hindi nila makakalimutan
iyon at tiyak na magyayaya pa sila ng marami pang turista
habang ikinukuwento hindi lamang ang
ganda ng Pilipinas kundi pati na rin ang pag uugali ng mga Pilipino.
Samahan na rin natin ng katapatan.
Maaaring maglagay tayo ng “lost and found “section sa mga tourist destinations upang maisauli sa kanila ang anumang bagay na kanilang naiwala. Huwag na huwag silang pagnanakawan.
Pagmalasakitan natin ang mga turista dahil sila ang kapalit ng mga kababayan natin para hindi na sila mag-OFW.

Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F -10:30 am – 12:00 pm).
Audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline:
0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending