Kandidatura ni Edu sa Makati kinansela ng Comelec; binanatan sa isyu ng ‘citizenship’
DISQUALIFIED si Edu Manzano bilang congressional candidate sa San Juan.
Ito’y ayon na rin sa naging desisyon ng Comelec second division sa akusasyong isa siyang American citizen.
“Without direct proof of his oath of allegiance being registered in the local civil registry in the place where he resides, respondent cannot be considered to have reacquired his Philippine citizenship under our laws,” ang bahagi ng court decision.
Citizenship ang naging rason ng diskuwalipikasyon ng aktor dahil naging American citizen daw siya nang manglingkod sa US Army. Tugon naman ni Doods, dual citizenship siya at natural-born citizen.
Pero kung matatandaan, ilang beses nang tumakbo sa Makati si Edu at pati nga Vice-President ay tinakbuhan din niya noong 2010. Kumandidato rin siyang senador noong 2016 pero hindi naman siya na-disqualify, huh!
Ayon sa report, puwede pang umapela si Doods sa Comelec en banc para mabago ang desisyon. Ito rin ang isinagot niya sa isang netizen na nagtanong kung pwede pa ba siyang iboto sa May 13 polls.
“Hindi totoo. Second division pa lang iyan. May en banc pa. Ginawa sa akin ‘yan in 1998. Nanalo ako sa Supreme Court and went to become Vice Mayor of Makati City. Pinayagan ako ng Korte Suprema tumakbo. Nasa Mercado vs Manzano 1998,” pahayag ni Doods.
Ang tinutuukoy niyang “Mercado vs Manzano 1998” ay ang case digest na may General Register number na 135083 na naglalaman ng desisyon ng korte sa kasong isinampa sa kanya ni Ernesto Mercado na nakalaban niya sa vice mayoral race sa Makati noong 1998.
Sobrang lakas ba ng aktor sa San Juan kaya sinampahan siya ng disqualification case?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.