Angelica kinilig sa mga papuri ni Nadine: Fly high!
KINILIG si Angelica Panganiban sa mga naging pahayag ng FAMAS 2019 best actress na si Nadine Lustre tungkol sa kanya.
Kamakailan sa thanksgiving presscon ng Viva Films para sa pagkapanalo ni Nadine bilang best actress sa FAMAS for the movie “Never Not Love You”, inamin ng dalaga na grabe ang paghanga niya kay Angelica bilang aktres at isa ito sa mga inspirasyon niya sa pag-aartista.
“Si ate Angge, kasi kapag napapanood ko siya sobrang nadadala niya ako, eh,” ani Nadine.
Nitong weekend, ni-repost ni Angelica sa kanyang Twitter account ang interview ng press kay Nadine kasabay ng pagbati niya rito. “Nakakakilig! Congratulations Nadine! Fly high!” caption ni Angelica sa kanyang tweet.
Sa pagkapanalo ni Nadine sa FAMAS, siguradong marami pang magaganda at makabuluhang pelikula ang nakatakda niyang gawin in teh future.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.