Daniel miss na miss na si Kathryn | Bandera

Daniel miss na miss na si Kathryn

Ervin Santiago - May 07, 2019 - 12:01 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

TALAGANG hindi pa sanay si Daniel Padilla na mawalay nang matagal sa kanya ang girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Ramdam na ramdam ng KathNiel fans ang pangungulila ni DJ kay Kath dahil sa mga ipinost nito sa kanyang social media accounts nitong mga nakaraang araw.

In fairness, bihirang-bihirang maging active sa socmed si Daniel pero dahil nga ilang araw nasa Hong Kong ang kanyang dyowa ay talagang na-miss niya ito nang bonggang-bongga.

Nitong weekend buong-ningning na tinawag ni DJ si Kathryn ng “My woman.” Ito ang naging comment niya sa ipinost ng dalaga sa Instagram na cover photo para sa isang magazine shoot.

Agree naman ang aktres sa tinuran ng boyfriend kaya ang sagot niya rito ay isang nagsusumigaw na “YOURS.”

Hirit naman ng nanay ni Kathryn na si Min Bernardo, “My daughter.” Na sinagot din ni Daniel ng, “My biyenan.”

Aliw na aliw naman ang KathNiel fans dahil sa palitan ng mensahe ng tatlo. Feel na feel naman ng mga followers nina Kathryn at Daniel ang matinding pagka-miss nila sa isa’t isa. Lalo na raw si DJ na nag-post pa sa kanyang Instagram ng litrato niya kung saan yakap-yakap niya si Kath.

Caption ni Daniel dito, “Nos vemos en un momento mi amor.” Amg English translation nito ay, “See you in a moment my love.” Na sinagot naman ni Kathryn ng, “Few more hours!!!!”

Kung matatandaan, sinorpresa ni DJ si Kathryn sa Hong Kong a few weeks ago kung saan sinu-shooting ang “Hello, Love, Goodbye,” ang pelikula nina Kath at Alden Richards.

Talagang gulat na gulat si Kathryn nang makita si Daniel sa tinutuluyan nilang hotel sa HK. Pagkatapos nito, si Kathryn naman ang umuwi ng Pilipinas para sa birthday salubong ni Daniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending