Randy sa bangayang Raymart-Claudine: Buhay nila 'yan, matatanda na sila | Bandera

Randy sa bangayang Raymart-Claudine: Buhay nila ‘yan, matatanda na sila

Julie Bonifacio |May 06,2019
facebook
share this

Randy sa bangayang Raymart-Claudine: Buhay nila ‘yan, matatanda na sila

Julie Bonifacio - May 06, 2019 - 12:30 AM

CLAUDINE BARRETTO, RAYMART AT RANDY SANTIAGO

HINDI apektado si Randy Santiago sa mga sinabi ni Claudine Barretto sa Tonight With Boy Abunda laban sa kapatid niyang si Raymart Santiago na nagbabalik-telebisyon via FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Sabi kasi ni Claudine kay Boy, if ever alukin na mapasama sa Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin papayag siya kapag wala na si Raymart sa action-serye.

“Buhay nila ‘yan. Matatanda na sila. Saka away nila ‘yan,” lahad ni Randy nu’ng makasalubong namin sa labas ng studio ng Showtime sa ABS-CBN.

Kahit nagbabalik-Kapamilya network si Claudine hindi pa raw nagkaroon ng chance na magkita or magkasalubong sila ng ex-partner ni Raymart. Habang si Randy naman ay kabilang sa mga hurado ng It’s Showtime.

“Nag-MMK siya pero sa labas naman ang taping noon. At kahit gumawa siya ng movie with Piolo (Pascual), sa labas naman kukunan ‘yun. Hindi sa studio. Kaya parang wala naman chance na magkita kami,” esplika ni Randy.

Again, we asked Randy kung kailan naman siya lalabas sa Ang Probinsyano since nandoon na ang younger brothers niyang sina Raymart at Rowell Santiago.

“Ako ang gumawa ng kanta sa Probinsyano. Binigay ko ‘yun sa kanila,” pagri-reveal ni Randy.

Hindi raw nagpabayad si Randy sa ginawa niyang kanta for Coco’s show. Happy na raw siya na napapa-kinggan ang kanta niya sa serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending