Provincial bus ban sa EDSA ng MMDA anti-poor | Bandera

Provincial bus ban sa EDSA ng MMDA anti-poor

Bella Cariaso - May 05, 2019 - 12:15 AM

TARGET ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tuluyang maipatupad ang provincial bus ban sa kahabaan ng EDSA.
Sa ilalim ng pagnanais ng MMDA, hindi lamang bawal dumaan sa kahabaan ng EDSA ang provincial buses kundi tatanggaling na rin ang mga terminal ng bus na matatagpuan sa EDSA.
Mismong MMDA na rin ang nagsabi na ang mga provincial buses ay limang porsiyento lamang ng kabuuang bilang ng mga sasakyang gumagamit ng EDSA.
Mas marami ang mga city buses (12,000) kumpara sa mga provincial buses (3,300) ayon mismo sa datos ng MMDA noong 2017. Ang mga pribadong sasakyan naman ay aabot sa 200,000.
Kapag tuluyan itong maipatupad, dagdag pasakit ito sa mga ordinaryong mga pasahero, dahil sa bukod sa abala, nangangahulugan din ito ng dagdag gastos para sa mga ordinary commuters.
Kapag kasi tuluyang i-ban ang mga provincial buses sa EDSA, imbes na sa Quezon City lamang pumunta ang mga mamamasahero, kailangan pa nila na dumayo sa Valenzuela City para sumakay ng mga provincial buses sa terminal.
Bukod sa oras at pagod, madadagdagan ang gastos ng mga pasahero.
Hindi ba’t kailangan mo pang mag-taxi o mag-bus para ka makapunta sa target na terminal sa Valenzuela City.
Gayundin para sa mga uuwi papuntang south, kailangan pa nilang pumunta sa terminal sa Laguna para makasakay at makauwi sa kani-kanilang patutunguhan.
Kamakailan, dumulog sa Korte Suprema ang isang grupong tutol sa planong ng MMDA.
Naghain ng Petition for Certiorari, Prohibition and Mandamus with application for Writ of Preliminary Injunction/Temporary Restraining Order sa korte upang kuwestyunin ang ligalidad ng polisiya ng MMDA na naglalayong paluwagin ang daloy ng trapiko sa EDSA.
Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin hindi sumailalim sa konsultasyon ang polisiyang ito ng MMDA kaya hindi narinig ang panig ng mga maaapektuhan partikular ang mga komuter mula sa mga probinsya.
Sinagot pa ito ng MMDA sa pagsasabing wala namang mga alternatibong solusyon ang mga kumokontra rito.
Subukan kaya ng mga opisyal ng MMDA na mag-commute habang bitbit maging ang mga anak para malamang kung gaano kahirap bumiyahe na may kasamang mga bata.
Dapat maranasan ng mga opisyal kung gaano kahirap tuwing bibiyahe ng walang sasakyan at umaasa lamang sa mga provincial buses.
Pahirap lalo ito sa mga mananakay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending