Coco Martin pikon, lagi raw mainit ang ulo sa set ng ‘Ang Probinsyano’ | Bandera

Coco Martin pikon, lagi raw mainit ang ulo sa set ng ‘Ang Probinsyano’

Cristy Fermin - May 05, 2019 - 12:40 AM

COCO MARTIN

Napakayabang ng mga ipino-post ni Coco Martin. Nakakapanibago ang dating tahimik lang na action star na ito. Galit siya sa mundo. Galit siya sa mga bashers at sa mga taong nanghihimasok daw sa kanyang pribadong buhay.

Ano kaya ang akala ni Coco? Hahangaan siya ng publiko sa pagpo-post niya ng mga salitang hindi magandang basahin at nakagugulat sa pandinig? Hindi na rin kaya kinakaya ng aktor ang magandang kapalaran niya sa showbiz kaya siya nagkakaganyan?

Nagiging pikon si Coco Martin na pinatutunayan naman ng mga nakakasama niya sa seryeng pinagbibidahan niya. ‘Yun pala ang dahilan kung bakit dalawang direktor ang umalis na sa Ang Probinsyano.

Palaging mainit ang kanyang ulo, marami siyang pinapansin sa set, hanggang sa lumabas na nga ang kuwentong isang crew na inaantok ang sinabuyan niya ng tubig.

Kailangang mag-ingat si Coco Martin sa kanyang mga sinasabi at ginagawa. Pinakamalalaking artista man ay dumarating sa punto ng paglamlam ng bituin.

Palaging una ang ugali at pangalawa na lang ang talento. Napipikon siya dahil pinanghihimasukan daw ang personal niyang buhay?

Ano ba ang mundong pinasok niya? Bakit ba ang tawag sa mga tulad niya ay public figure? Sige nga, magpaliwanag nga siya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending