Alex: Hindi po ako mukhang pera, kaloka! | Bandera

Alex: Hindi po ako mukhang pera, kaloka!

Bandera - May 05, 2019 - 12:10 AM

ALEX GONZAGA

“HINDI ako mukhang pera!” Yan ang depensa ni Alex Gonzaga sa kumakalat na balita na binayaran siya umano ng P4 million para i-endorso ang Juan Movement Partylist.

Ayon sa TV host-actress, napaka-unfair na paratangan siya nang walang basehan. Aniya, hindi pa man tumatakbong partylist ang Juan Movement ay miyembro na siya nito.

Naging malapit si Alex kina Jhun Llave, Nico Valencia at Mark Boado na nominees ng JMP dahil na rin sa mga advocacy ng mga ito.

“Hindi ba pwedeng tumulong nang kusa dahil iisa ang gusto naming lahat sa grupo at ito ay mapagbuti pa ang bansa natin?” tanong ni Alex. “Nakakaloka nga na pati picture ko ginawan ng issue. Picture lang yun, ipagdadamot ko pa, ano ba? Nakakaloka.”

Sobrang passionate ni Alex sa pangangampanya para sa grupo dahil naniniwala siya sa advocacies at mga ipinaglalaban nito lalo na ang ibayong pagmamahal sa bayan at ang pagbibigay halaga sa pamilyang Pilipino.

Katuwang ni Alex si Arnell Ignacio sa laban ng JMP kaya dinipensahan ng host-comedian ang aktres, “Foul naman na palabasing mukhang pera si Alex,” bungad niya. “Eh di sana paratangan din akong mukhang pera.

“Alam ko na malinis ang kunsiyensya namin ni Alex at gusto lang naming dalawa na mapabuti ang Pilipinas,” dagdag pa ni Arnelli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending