Utang na loob ni Lito Lapid kay Coco ang paghataw sa mga survey | Bandera

Utang na loob ni Lito Lapid kay Coco ang paghataw sa mga survey

Ronnie Carrasco III - May 04, 2019 - 12:05 AM

LITO LAPID AT COCO MARTIN

ANG nagagawa nga naman ng TV exposure.

We remember having heard from a talent manager na malaking factor sa pagkakaroon ng commercial endorsements ng isang artista is his or her visibility on TV, halimbawa kung meron itong regular show.

Essentially nga naman, ang exposure na ‘yon ng artista sa isang show is itself a subliminal way of pushing the product or service he or she endorses. Mabilis maikunek ng audience sa artista ang kanyang ineendorso.

Wala rin itong inilayo sa pulitika.

Sa mga huling araw ng nakaraang buwan, lumanding sa ikatlong spot sa survey ang kumakandidatong si Lito Lapid edging out the more qualified candidates sa pinapangarap nilang puwesto.

Hindi na bagito sa larangan ng pulitika—both in local and national levels—ang aktor mula sa Porac, Pampanga.

Panahon ng GMA administration when Lito was confined no more sa kanyang lokal na puwesto as he made it to the Senate. A self-confessed David in a territory of Goliaths, walang makakakuwestiyon na ang tulad ni Lito ay kaya rin palang makipagsabayan sa mga bigating mambabatas, keber kung odd man out siya.

Sa kanyang ikatlong puwesto batay sa survey (if this will translate to actual votes sa araw ng eleksiyon), maaari nang maghayahay si Lito. Malaglag man siya nang ilang baitang, malabo na siyang ma-dislodge.

Lito has a lot to thank FPJ’s Ang Probinsyano for. Bale ba, he played a goody-goody role. Kung hindi dahil sa teleseryeng ito, fate wouldn’t as much kind to him.

Pero nakikinita na namin ang mga tagpo sa Senado kung muling palarin si Lito. Tiyak, he’ll turn himself into a laughingstock again against his fellow solons na ‘di hamak na mas maraming kaalaman tungkol sa kanya best expressed in intense legalistic oral arguments.

Pero walang puwang ang complacency ni Lito sa ranggo niya sa surveys dahil hindi naman din ito ang kalalabasan on Judgment Day. Yes, survey results inspire to a certain extent but these should never stop any candidate from doing the best he can.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baka kasi ang ending niyan, panalo lang si Double L sa survey pero laglag sa Magic 12! And nothing can be more tragic than that.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending