PINAG-IINGAT ni ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III ang mga Filipina sa pagpatol sa mga nakikilala nila sa mga online dating sites.
Ayon kay Bertiz, ginagamit ng mga human trafficker at sexual predators ang mga online sites na ito upang makahanap ng bibiktimahin.
“They deceptively use bogus profiles to start and cultivate relationships, with the intent of eventually entrapping would-be victims,” ani Bertiz. “It is not unusual for these monsters to lure targets with promises of a better life, including higher-paying job prospects.”
Ginawa niya ang pahayag matapos na umamin ang 35-anyos na Army captain sa Cyprus sa pagpatay sa pitong kababaihan at isang batang babae, tatlo sa mga ito ay Pilipina.
Ang salarin ay naghahanap umano ng bibiktimahin sa online dating site.
Pinaniniwalaan na ng mga OFW na sina Mary Rose Tiburcio, 38, Arian Palanas Lozano, 28, at Maricar Valdez Arquiola, 30, ay kabilang sa mga biktima ng salarin.
Ang tatlo ay pumunta sa Cyprus bilang household service staff na kumikita ng 400 Euros (P23,000) kada buwan. —
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.