Miles Ocampo 22 na ngayong Labor’s Day, pero wala pa ring boyfriend | Bandera

Miles Ocampo 22 na ngayong Labor’s Day, pero wala pa ring boyfriend

Dominic Rea - May 01, 2019 - 04:54 PM

MILES OCAMPO

SA premiere night ng horror movie na “Maledicto” na ginanap sa Santolan Town Plaza Cinema 1 recently ay nakatsikahan namin ang isa sa bidang babae ng pelikula na si Miles Ocampo.

Dalagang-dalaga na at ang ganda-ganda ni Miles ngayon at mukhang ready to fall in love na rin siya.

“Naku po! Actually ang dami ko pa pong gustong gawin sa buhay ko lalo na po sa career ko. Sa totoo lang po, hindi ko pa po talaga naiisip ang lovelife! Promise!” bungad niya sa amin.

Ngayong araw, Labor Day ang kaarawan ni Miles at wala naman siyang ibang hiling kundi ang patuloy na pag-usbong ng kanyang showbiz career at maisama sa isang bonggang bakasyon abroad ang kanyang buong pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

“Sa ngayon po, alam niyo, gusto kong mag-travel talaga!” sagot niya nang tanungin kung anong birthday gift niya sa kanyang sarili this year.

“Yun nga lang, medyo busy pa po at may mga trabaho, siguro baka sa September na po ako makaalis. Gusto ko sa Japan talaga. Isasama ko Mama ko, mga kapatid ko, mga friends ko,” aniya.

At alam n’yo ba kung ilang taon na si Miles ngayon? Actually nagulat kami dahil 22 na pala siya.

“Yes po, 22 na po ako! Feeling ko kasi nu’ng mga 12 years old ako, 22 na ako. Tapos ngayong 22 na ako, feeling ko 30 na ako. Tapos, hala! Ang bata-bata ko pa pala,” aniya sa aming tsikahan.

Maganda ang role ni Miles Ocampo sa pelikulang “Maledicto.” We already saw the movie and Miles portrayed her role very well at ang galing-galing niya sa mga eksenang sinasaniban siya.

It’s a horror movie at talaang matatakot ka sa mga eksena niya. Kunsabagay, kaya hindi nawawalan ng proyekto ang bagets dahil hindi rin naman matatawaran ang kanyang galing bilang isang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending