TINATAYANG 2,500 katao ang lumahok sa kilos protesta sa Mendiola, Maynila bilang bahagi ng paggunita ng Araw Ng Paggawa kung saan hiniling nila ang pagbasura sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, pagkakaroon ng pambansang minimum wage at wakasan ang kontraktuwalisasyon, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ganap na alas-11:55 ng umaga, nagtipon-tipon ang mga grupo ng mga manggagawa mula sa Kilusang Mayo Uno, Partidong Manggagawa at Federation of Free Workers, at gayundin ang Kabataan Partylist, sa Mendiola Peace Arch, na matatagpuan malapit sa Malacañang complex.
Nanawagan ang nagpoprotesta na pakinggan ang kanilang mga kahilingan.
Sinabi ng NCRPO na naging mapayapa naman ang mga pagkilos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.