Nicco Manalo kabado pero game makatrabaho si Jose | Bandera

Nicco Manalo kabado pero game makatrabaho si Jose

Bandera - May 01, 2019 - 01:05 AM

NICCO AT JOSE MANALO

KABADO pero game na game ang magaling na aktor na si Nicco Manalo na makatrabaho ang kanyang amang si Jose Manalo.

Ito ang inamin ni Nicco nang humarap sa entertainment media para sa presscon ng pelikulang “TAYO Sa Huling Buwan ng Taon”, ang sequel ng “Ang Kwento Nating Dalawa” produced by TBA Studios.

“Opo, kung may makakita ng opportunity o kung sinuman ang gustong kunin kami, mapa-comedy, drama, kayo po ang bahala. I think it would be exciting.

“Medyo nerve-racking for me I think to be working with my dad. Kasi he’s very ano rin hindi siya nauubusan ng advice sa ginagawa ko o sa craft ko o sa pagiging artista. Medyo kinakabahan ako pero game po ako,” pahayag ng binata na gumaganap na isang aspiring filmmaker sa “TAYO Sa Huling Buwan ng Taon”.

Kuwento ni Nicco, mas nakakapag-usap na sila ngayon ni Jose kumpara dati, “Medyo mas bihira pero I think we talk during the important times I would say. Although I’m not there everyday, we didn’t talk everyday, pero like something happens to him I congratulate him, somethings happen to me, he congratulates me.

“He’s very proud of me and I’m very happy about that. I’m enjoying na we have this relationship,” aniya pa.

Ang palagi raw advice sa kanya ng komedyante, “Work hard. Don’t be afraid na magsimula sa ilalim. Kasi sabi niya mas masarap namnamin ang tagumpay kapag pinaghirapan.”

Samantala, hindi naman itinanggi ni Nicco na hindi niya ine-expect na magiging leading man siya sa isang pelikula. Siya pa rin ang katambal ni Vera sa “TAYO Sa Huling Buwan ng Taon” na part 2 ng successful na “Ang Kwento Nating Dalawa.”

Muling magtatagpo ang mga karakter nilang sina Sam at Isa makaraan ang limang taon ng kanilang paghihiwalay.

“Naalala ko po kasi noong 2014 sabi nila, o nagli-leave ka na a. Hindi ko talaga in-expect eh. Noong 2014 it’s just me and Vera talking. ‘Yun lang po ang pelikula. And kagaya nga po ng mga alam natin sa industriya may mga sinusundan din tayong styles kumbaga so alam natin we have to get someone who’s mas pogi, mas matangkad.

“But Nestor (Abrogenas, direktor) got me, pinagkatiwalaan niya ako. I’m very grateful. And we’re very grateful to TBA Studios na binigyan pa nila kami ng sequel,” ani Nicco.

“And we found out kapag nakakausap namin ang mga tao sinasabi nilang, ‘ang ganda-ganda ng pelikula, we watch it 3-4 times.’ May following talaga. And then ito nga as the result of it’s success,” sabi ni Direk Nestor.

Ang “Tayo sa Huling Buwan ng Taon” ay hindi karaniwang love story na nagbibigay ng emotional portrayal ng love ng mga tao o ng magsing-irog na hinahanap ang buhay at ang sarili.

“We use mostly ourselves when we portray our characters,” ani Nicco. “That’s why the movie is so authentic.”

Dagdag pa ng aktor, “We tried to do the movie earlier, but we didn’t do it because Nestor felt we weren’t ready. Hindi pa hinog. The four years between ‘Ang Kwento Nating Dalawa’ at ‘Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon’ really helped. Kita talaga sa screen kung paano kami binago ng panahon.

“Of all the characters that I played, dito talaga makikita si Nicco not just as an actor but also as a person. Kung ano ‘yung learnings namin sa four years na lumipas, makikita ‘yun sa pelikula. It really made ‘Tayo’ and its theme of finding yourself after getting lost authentic and real,” chika pa ng anak ni Jose.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Tayo sa Huling Buwan Ng Taon” ay mapapanood na sa May 8 nationwide kung saan makakasama rin sina Anna Luna, Alex Medina, Peewee O’Hara, Alvin Anson, Madeleine Nicolas, Emman Nimedez at Bodjie Pascua.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending